sa mga dadaan ng teresa, morong, baras, pillila, tanay sa rizal mag ingat sa racket ng tmg. lalo sa may mga trak, jeep at surplus vehicles galing cebu. binubusisi at hahanapan ng butas ang rehistro at kung anu-ano pa. impound sa hilltop/tikling ang kadalasang pang sindak nila.

mantakin nyo, pati bulldozer na nakakarga sa trailer hinahanapan ng rehistro!

drop side na trak na may kargang kulungan ng baboy na idedeliver dapat daw nakalagay sa rehistro na "hog truck" or "hog carrier"!

yung mga nagdedeliver ng uling na may kumpletong papeles hinihingian ng P500, minsan kinukunan pa ng uling!

yung mga surplus na suzuki galing cebu pinagbabayad ng additional duties & taxes bago irelease from impounding.