New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 109

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    226
    #1
    Gusto ko lang ishare yung nasaksihan ko habang pauwi ako sa vicente cruz...

    Ganito kasi yun. Pauwi na ako galing office then sumakay ako jeep papuntang quiapo. Yung nasakyan ko na jeep, siya yung pinakanakita kong pinaka-maangas na driver. Ambilis magmaneho, singit ng singit at kung pumreno, parang gago talaga. So may sumakay na isang matanda (nakauniform siya ng pang office), sabi niya sa manong "along araneta lang ako at senior" pero itong kups na driver (kahit nakita na niyang may edad na) sinabihan na "Eh senior ka pala dapat may ID ka, ipakita mo!" So, sa inis ng matanda nilabas niya yung senior ID niya (dahil dapat naman talaga hindi na hinihingi lalo nat matanda na dba) at pinapaabot niya yung ID niya sa ibang pasahero papunta sa driver. habang inaabot niya, medyo bumulong yung matanda na "isaksak mo sa baga mo". Ang siste, narinig ng driver... Sabi ba naman sa matandang babae, P%t*ng(*9na ka ah! akala mo kung sino ka, hindi ko na ibibigay yung piso mo dapat (discount) kahit na senior ka. Letse ka... As in walang respeto sa matanda. So yung matanda, nagalit din. hindi kita minumura at wala kang respeto sa matanda, hayun nagsisigawan sila at ilang beses minura ng driver yung matanda hanggang sa pagbaba (araneta na kasi).

    Eto na yung best part, habang binabagtas na namin ang welcome, dumaan sa gasoline station yung driver (of course magpapagas)... So pila kasi may nauna sa kanyang innova. Sabi ba naman sa gasoline boy "tapos na ba yan? Bat andyan pa yan, Paalisin mo na yan)... Of course siguro naman naghihintay yung driver ng innova ng sulki dba. Itong si jeep driver (sa sobrang ka-assholan niya), bigla ba naman niyang ki-nut yung innova para isiksik sa harap yung dyip niya para magpagas. So naharangan yung innova at para lang makaalis siya at dapat aatras siya. Ito na... hindi umatras yung innova, hindi rin nagbusina. nagulat na lang ako (since tinted yun) lumabas yung tatlong lalake sa innova. Anak ng tokwa, 3 pala sakay nun at yung isa nakajacket pa ng (pang Govt agency-anti crime pero hindi ko na sasabihin kung anong department ). Yung driver ng innova, may hawak na ng tubo at yung dalawa, pinaligiran na yung dyip. Sabi nung may hawak na tubo, "Tarantado ka ah. hindi na sana kita papatulan nung narinig ko na pinapaalis mo na kami pero nung hinarang mo pa yung dyip mo eh nakakalalaki ka na. Mamimili ka ng gagaguhin mo ah!!!" After that, sumilip siya sa mga pasahero (sa amin). Sabi niya, "mga boss at maam. Lipat na kayo ng ibang dyip kasi hindi na makakapagmaneho ito..." Sabay punta sa tabi ng driver ng dyip at sabay sundot ng tubo sa mukha ng driver ng dalawang beses. Anlakas. bayo ang ginawa eh. Biglang duguuan nga ung driver eh. After nun, sabi nung tumubo sa 2 niyang kasama, iandar nyo na yung sasakyan (innova) at sisiguraduhin ko na hindi susunod ito dahil kung hindi, tutuluyan ko na muna. Hayun, sumakay na yung dalawa at pinaandar na palabas gasoline station at yung naiwan, sumonod at sumakay na rin. Walang nagawa yung mga nakakita kasi alam nila na govt agency yung gumawa. Sumakay na ako ng ibang dyip. yung dyip dun naiwan na sa gas sations since hindi na nga makapagmaneho yung driver dhil sa hilo at duguan...


    Ang bilis ng KARMA.


    posted by DY from TPC

    he had it coming... tsk tsk tsk

  2. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    1,299
    #2
    sana binutasan na din yung mga gulong ng jeep pati spare tire.

  3. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    527
    #3
    nakahanap din ng katapat... as the Bible says... “The one who sows to please his sinful nature, from that nature will reap destruction..." ... so better "Love your neighbor as yourself."

  4. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #4
    wahahahahahaha ! buti nga sakanya. kung di niya ginanun yung matanda baka buo pa sana mukha niya ngayon. :rofl: sarap i-video nun. hehehehehe

    kung sino man driver ng innova na yun, kahit masama ginawa niya, saludo pa rin ako.

  5. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    420
    #5
    dun pa lang si ginawa nya sa matanda, buti nga yung nangyari sa kanya.

  6. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #6
    kasi naman pwede naman magmaneho ng maayos ang mga jeepney driver eh nagaangas pa akala mo kung sino...... nakakuha siya ng katapat.....

  7. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    25
    #7
    nice story, must give those stupid rude jeepney drivers a bloody lesson!

  8. Join Date
    Apr 2010
    Posts
    187
    #8
    hindi talaga maganda yung ginagawa nung driver sa matanda.. walang galang at respeto... pero hindi rin maganda yung ginawa nung 3 lalake sa driver..

  9. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    630
    #9
    Quote Originally Posted by malinkelly View Post
    hindi talaga maganda yung ginagawa nung driver sa matanda.. walang galang at respeto... pero hindi rin maganda yung ginawa nung 3 lalake sa driver..
    Tama ito sir! I agree, sir digitalron kawawa yung jeep hehehe! Tama na po yung ginawa niyo,


  10. Join Date
    Jun 2008
    Posts
    477
    #10
    IMHO...He deserved it for what he did to the senior citizen and for how he behaves...Lesson learned, wag maging abusado sa kalsada or else baka ma karma...hehehehe!

  11. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    2,979
    #11
    Quote Originally Posted by digitalron View Post

    *badsekktor - I actually carried a licensed gun waaaaaay back in the past, about a decade and a half ago. I used to work in a government agency and was assigned a handgun at a time when the work turned a little bit... unconventional (don't ask, I am not allowed to say). Anyway, a traffic altercation with a stupid teenager (cut me three times in the early morning, he and his two companions were drunk) made me realize how easy it is for me to make a mistake (ok, so I did commit a mistake at that time) so that same day, I returned the gun. Today, I am thinking of getting a licensed firearm again because I do a significant amount of out-of-town driving, oftentimes carrying expensive equipment and some cash, but I always back out at the last moment because of apprehensions of misuse on my part. I got family and am wary of doing something stupid because I have a gun with me. But that's me

    At the end of the day, I realized that by taking the moral high ground in the altercation with the jeepney driver, some higher powers made sure the bad person got what he deserved
    sorry for advising you with that one.... maybe im just angered with your encounter.

    If i were in your shoes, i'd probably pulled my window down and stick my middle finger up and drive.... I still own several handguns, and a couple of rifles though but i never applied for any permit to carry them....

  12. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #12
    well having a gun in the car can be a good or a bad thing ....

    it can be good because you are ready if danger happens like hijackers try to open your vehicle or steps in front of you instructing you to open your doors for them to be able to get in etc. etc.

    it can be bad since there are instances that you use the gun even you shouldn't, example of this would be traffic altercations. SOME irresponsible gun owners shoot the " suspect " if he has been cut or he encounters a rough talk with a specific driver -, topic too shallow for the " oppressed " to shoot the " oppressor "

    if you can, just fix things by talking. if you can't .... leave them and let karma do her thing.

  13. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    94
    #13
    I believe hindi lang tubo ang dala ng tatlong lalaki na naka-innova. Maswerte parin yung driver ng jeep dahil tubo lang inabot nya.

    Kung barumbado talaga yung taga innova baka dun sa pagtalak pa lang ng jeepney driver inumbagan na nila. Di na nila aantayin harangan pa yung innova.

mabilis ang karma (from TPC)