New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 21 to 30 of 50
  1. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #21
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    nung dun pa kami nakatira sa old "ondoy" house namin dati lagi 3 nawawala na tyre valve covers. yun pa chrome nilalagay ko. sino pa ba kukuha ng 3 e di tricycle driver! minsan pumunta ako sa palenke nag-tricycle lang ako. kita ko yung tyre valves nya gaya ng nawala sa akin. di ako nagbayad, sabi ko sa kanya "mamya pag pauwi na ko hahanapin ulit kita di rin ulit ako magbabayad." aangal sana si loko e tinuro ko yung tyre valve nya sabay "galing sa akin yan e." nagtago na si loko nung pauwi na ko di na nagpakita pa.

    ngayon yung black plastic na lang. libre lang sa tyre shops yun.
    kapal ng mukha niyan. buti hindi nagpalusot.

    Quote Originally Posted by carofsteel View Post
    oo nga sir. may kaibigan ako may vulcanizing shop. dun ako nanghingi ng stocks ng caps. hehe reserba.
    isang tabo nga dito samin.
    minsan pag naghahangin ako mag-isa sa mga nakakakita ako sa sahig, pinupulot ko. lima na ata reserba ko.

  2. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #22
    Quote Originally Posted by vinj View Post
    Kaya sa gas station, ako mismo naghahangin or pag may naghangin na gas attendant, i go down and watch to ensure na tama yung pressure at mahigpit na binalik ang tire cap. I noticed they either don't return it or sobrang luwang ng tire cap.
    speaking pala of higpit, nasira nga yung gas cap ko.
    naiiwan na yung plastic na puti. this week ko lang napansin hindi maibalik ng maayos nung mga attendant. hindi ko naman alam yung salarin. inis.

  3. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    37
    #23
    mahaba na yung 3 weeks na hindi mawawala yung tire caps na maganda dahil sa labas ako nagpapark....yung itim matagal-tagal, usually mga bata yung nagnanakaw nun para sa bisikleta nila siguro.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #24
    wala namang magagawa dyan eh.
    tiis mo na lang gumamit ng mumurahing cover.
    ako binibili ko lang ng 10 pesos each sa suki kong vulcanizing shop.... actually, nagiimbak na ako.... i have around 12 spare sa bahay.

  5. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    4,726
    #25
    dapat pag nahuli yang mga yan... palunok sa kanila yung tire cap...yung oem tire cap ko na stainless nawala din eh... ngayon bumili ako sa concorde yung aluminum na medyo malaki 89 pesos lang 4 na... medyo malaki yung binili ko para pag nahuli ko yung kumukuha eh mahirapan sya lunukin

  6. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    26,787
    #26
    everytime na magpahangin ako, i make sure na intact ang tire cap valve. that's the only time i check it, nakakalimutan ko din kasi.....

  7. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    2,380
    #27
    matagal na din ako di nananakawan nito pero may spare ako na 6-8 pcs sa mga sasakyan ko, hinihingi ko lang naman yun black plastic tire cover na yun sa aking suking tire shop. nagkalat lang kasi sa kanila :D basta wag na kayo bumili nung chrome type na barbula(tama ba? tawag dun) kasi yun madalas tinitira ng mga nangungupit nito.
    Last edited by 170kphlang; April 19th, 2013 at 01:00 PM.

  8. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    143
    #28
    naku problema ko rin to.. kanina lang nagpahangin ako, biglang sabi ng gas boy, "sir, walang takip yung dalawang pito nyo ah". para siguro di ko cya pagkamalan na pinitik nya. plastic na rin gamit ko ngayon, dati chrome, isang araw sabay sabay nawala yung apat.

  9. Join Date
    Jul 2012
    Posts
    1,362
    #29
    ano ba effect kung wala tong covers na to? ngayon ko lang napansin isa na lang pala ung saken

  10. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #30
    Quote Originally Posted by leodawesome View Post
    ano ba effect kung wala tong covers na to? ngayon ko lang napansin isa na lang pala ung saken
    importante yan. minsan sira yung pito mismo sumisingaw. pag may cap, napipigilan ang singaw at yung mga sand and pebbles that might get into your "pito.

Page 3 of 5 FirstFirst 12345 LastLast

Tags for this Thread

Losing Tire Valve Cover