Results 1 to 10 of 50
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 1,853
April 19th, 2013 12:52 AM #1It's not always but I have my fair share of instances when I lose the tire valve cover of my auto.
Dati bumibili pa ako nung mahal or basta yung may kulay or chrome kaso nung ilang beses na nawawala when I park sa public places I just stick with the regular black plastic ones. May nakita pa ako dati na mahal na cover, may tire pressure indicator.
Ang malabo just last week, pati yung plastic na itim nawalan ako ng isa. Kinuha ko tuloy muna yung nakakabit sa bike ko hehehe
I don't get it. Ano ba ito, collection nila o trip lang. Like before when I lost the chrome one, isa lang naman nawala. Sana kinuha na nya lahat para bagay naman sa kotse nya hindi yung iba iba itsura.
What do they get or earn from stealing one's tire valve cover?
Nakakaawa naman mga Pilipino, pati yun ninanakaw. I pity them and somehow nakakahiya na umaabot sa ganun. Pati plastik pinapatos. Trip lang? Wala lang? Walang magawa sa buhay?
How about you guys? Nawalan o nanakawan na rin ba kayo nito?
-
April 19th, 2013 12:58 AM #2
^
Sir, hindi lang tyre valve cover, pati wheel cap pa nga eh or worst ung spare tyre mo.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 1,853
April 19th, 2013 01:08 AM #3Sir Retz,
Mas maintindihan ko pa nga yung lohika ng pagnanakaw ng gulong o wheel cap eh. Pero isang maliit na plastik na pantakip ng valve? What's happening to our country?
Kahit sa sarili di na nahiya, halagang Php2.50 (assuming the average set of four costs Php10) nanakawin pa.
Anlabo!
-
April 19th, 2013 01:17 AM #4
Kinuhanan din ako nung isang gas boy sa shell station along laong-laan. Nagpakarga ako ng hangin tapos kinabukasan chineck ko nawala na. Siya lang ang suspect ko kasi may garahe naman ako at di ko pinapark sa harap namin sasakyan ko. Tsktsk
-
April 19th, 2013 01:29 AM #5
i think the most logical explanation to this is...trip lang. but the real question is nature na ba ng mga pinoy ang mamerwisyo? yung tipong kahit di nya papakinabangan eh nanakawin pa rin just for the heck of it? i'm not telling all pinoys are the same to make it clear.
-
April 19th, 2013 01:53 AM #6
-
Tsikoteer
- Join Date
- Nov 2011
- Posts
- 473
April 19th, 2013 05:21 AM #7
-
April 19th, 2013 08:01 AM #8
Last instance na naranasan ko ito is nung may ni-cover kaming kasal sa Laguna. Naka-park ang sasakyan ko sa labas ng resort na nasa loob ng isang average type na subdivision. Eh gabi na kami umuwi. Pagkagising ko sa umaga, sinabiha nalang ako ng erpats ko na wala na takip yun mga pito ng gulong ko. Eh chrome yun takip nun pero plastic lang naman. Sabi ko, peste naman yun mga tao na yun sa lugar na yun. Lahat ng takip ninakaw.
Nangyari din ito sa akin nung one time nandun ako sa house ng relatives ng gf ko. Ninakawan ako ng 2 takip.
Ito pa, nung pina-body paint namin yun isang sasakyan namin sa casa, nawalan ako ng mga takip. Peste talaga. Di ko nalang nireport sa casa yun dahil maliit lang na bagay yun.
Now, sa mga gusto ng mamahaling tire valve cover na hindi halatang mahal, meron sa Concorde na binebenta. Nasa 200+ ang isang set at meron doon black colored. Aakalain mong plastic yun takip pero ang totoo eh aluminum siya. Yan ang binibili kong takip pag ako nawalan. Iwas na ko sa mga chrome o shiny na takip.
-
April 19th, 2013 09:21 AM #9
Usually, nagnanakaw sa tire valve cover ko dati, mga bata. Nililipat sa biskleta nila.
Yung bakal na cover, if you tighten it, mahirap din tanggalin.
-
April 19th, 2013 09:36 AM #10
Mga Bata nga malimit magnakaw ng valve cover,young sa akin una dalawa ang nawala sa likod tapos sa Harap naman ang ninakaw,sa divisoria may nabili ako 30 petot ang apat alloy rin kaya pwede na
Be careful with channels like "China Observer" on YouTube. There is a clear bias in their posts and...
Xiaomi E-Car