Guys heads up ko lang kayo baka sakaling madaan kayo sa katipunan then cp garcia in the coming days. May bagong pakulo ang mga kaibigan nating MMDA dyan. Ang siste yung dalawang inner lane nilagyan nila ng divider. Ikaw kung matino kang driver and kung dati ka nang dumadaan dun pakaliwa ng CP Garcia, mapapagamit ka syempre nung inner lane thinking na kakaliwa ka. Pero sa dulo may harang yung papasok sa cp garcia at pag pilit mong pinasok, may susulpot na MMDA bigla. Dami nahuli kanina. Ako last week ko pa to nadiscover so pag daan ko kanina alam ko na gagawin. Dun ako sa third lane nanggaling pakaliwa. Masama ang palagay ko dyan talaga. Naglagay sila ng sign pero napaka-subtle. Maliit lang sya na sign na nakalagay "U Turn only" pero syempre kung mabilis ka, tapos madilim pa, at kung nakasanayan mo na gamitin yung way na yun, hindi mo talaga mapapansin yung sign unless nakapasok ka na dun sa may mga harang na. Nakakapag-init ng ulo, tinanong ko yung mga nakatao doon last week kung kelan pa yun, matagal na daw. E matagal na tapos hindi sila naglagay ng malaking sign para warningan mga tao? Try nyo daanan, hindi nyo talaga mapapansin sign, para lang syang scrap na dinikit sa mga puno don. Minessage ko top gear about dito pero na-deadma lang ako e. So dito na lang baka sakaling makatulong sa kapwa motorista.




Reply With Quote
, pero IIRC end-May anjan na yan.

