Results 1 to 10 of 22
-
June 24th, 2005 08:52 PM #1
Freshman lasog sa pick-up
Lasog ang katawan ng isang 16-anyos na freshman student ng University of Santo Tomas (UST) makaraang masagasaan ito habang papasok sa nasabing unibersidad kamakalawa ng umaga sa Malabon City.
Namatay noon din ang biktimang si Nica Charlene Ardiente, BS Chemistry student sa UST at residente ng #18 Interior 3, Vicencio St., Brgy. Niugan, nasabing lungsod sanhi ng tinamong matinding pinsala sa katawan.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga elemento ng Northern Traffic Enforcement Group (NTEG) laban sa hindi nakilalang driver ng asul na pick-up type vehicle at may plakang WET-686 na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Batay sa ulat na nakalap mula sa NTEG, dakong alas-6 nang maganap ang insidente sa may kahabaan ng Gen. Lunasol St., Brgy. Concepcion, Malabon.
Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO2 Edgar Lim, may hawak ng kaso, kasalukuyang nag-aabang ng masasakyan ang biktima upang pumasok sa eskuwelahan nang aksidenteng malaglag ang isang gamit nito sa kalsada.
Ayon sa mga nakasaksi, akmang pupulutin na ng biktima ang nahulog na gamit nang hindi napansin ang paparating na pick-up dahilan upang masagasaan ito kung saan ay tumilapon ng may ilang metro ang biktima.
Nabatid pa na sa halip na huminto ang driver upang tulungan ang biktima ay walang pakundangan nitong pinasibad ang sasakyan tahak ang direksyon ng Caloocan City.
Ilang residente naman ang agad namang nakakuha ng plate number ng sasakyan at ipinagbigay-alam ang nasabing insidente sa pulisya.
Agad nakipag-ugnayan ang NTEG sa Land Transportation Office upang makilala at masakote ang nagmamay-ari ng nabanggit na sasakyan upang managot sa nasabing insidente.
>
>
>
>
please let us help her by including on our daily prayers
At sana mahuli na or makunsensia naman sana kung sino man iyon.(buti KAHIT PAANO NAKUHA ANG PN)...bata pa iyon baka maraming maganda pag kakataon pa sa buhay ng freshman na iyon
-
June 24th, 2005 09:02 PM #2
grabe kawawa naman...BS chemistry sa UST?sayang susunod sana sa yapak namin...BS chem din kasi ako sa UST...let's pray for her soul to rest in peace...
-
June 25th, 2005 12:18 AM #3
my God...so sorry to hear this... surely i'll include a fellow tomasino in my prayers.....
-
Driver/PasaHERO
- Join Date
- Oct 2002
- Posts
- 1,310
June 25th, 2005 05:28 AM #4tsk, dami tlagang loko loko sa malabon...alam ko ung lugar na un kse taga malabon ako. Mejo may kaluwagan ang daan dyan kaya cguro walang pakundangan magpatakbo ng sasakyan ang karamihan, pero dami ding tao sa lugar na yan. I'll be on the lookout for that plate #. May her soul rest in peace, and sana magka justice
-
June 25th, 2005 11:47 AM #5
Originally Posted by BlueGirl
OT:
blue girl = antoinette ???
may napanood kasi ako ..taga crayola factory ..
kung ikaw ang na interview doon ..
.ang show nga pala ay sa USAPAN BUSINESS..
-
-
June 25th, 2005 11:34 PM #7
kawawa naman..UST student pa..last year, ka-batchmate ko sa medicine nabangga din ng truck along lacson st. patawid siya from mcdo to UST (i think) di siya nakita sa harapan ng truck ayun...fortunately, she survived but had to take the rest of the schoolyear off to recuperate..
-
June 26th, 2005 10:51 AM #8
well it's an accident and it's nobody's fault.. ogags lang talaga ang driver at hindi tinulungan yun bata.. let us all pray for both their souls..
-
-
June 28th, 2005 08:56 AM #10
Oh my.....another young life lost.
Nakakaawa naman.
Like ts1n1ta, I'll include a fellow Tomasino in my prayers.
versus putting a celfone right next to your brain everytime you make a call?
electric powered cars