New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 17
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #1
    I saw this news item in 24 Oras, about this "Kambal na Pajero". Di pa mabubuking kung di nagreklamo yung isang owner ng Paj. Yung unit niya, naka-rehistro na! He-he! Here's the editorial write-up (about the incident) in one of the daily tabloids.


    ============================================


    Paano Nangyari ito? Kambal na Pajero?


    Malaking palaisipan sa mga awtoridad ang ‘kambal na Pajero’. Ito ‘yung dalawang sasakyang mayroong parehong plaka, engine serial number at chassis number. Nabuking ito matapos magreklamo ang may-ari ng isa sa dalawang Pajero. Ipinaparehistro n’ya raw ang sasakyan n’ya at nagulat siya na sa rekord ng Land Transportation Office (LTO) ay rehistrado na ito.

    Ang pinag-iba lang ng ‘kambal na Pajero’: KULAY.

    Isa lang ang ibig sabihin nito. Isa sa dalawang sasakyan ay tampered o pineke ang plaka, engine at chassis number. Paano nangyari ito? Sino lang ba ang may kapasidad na gawin ito? Maliban sa sindikatong may kontak sa LTO, puwedeng taga-LTO mismo. Kung may kinalaman ang iba pang ahensya ng pamahalaan, malalaman ito sa gagawing imbestigasyon.

    Onli in da Pilipins nga lang talaga! Nakakabilib ang talento pero dahil ilegal ito, tunay na nakakatakot. Dapat ay hindi ito matapos sa pagkakadiskubre sa iregularidad. Ang pagkakabisto ay unang hakbang pa lamang. Mahabang proseso ito ng imbestigasyon para matalupan ang mga taong nagsasabwatan para sa ganitong raket.

    Naniniwala kaming hindi nag-iisa ang kasong ito. At posibleng matagal na itong ginagawa ng sindikatong nasa likod ng ‘Kambal na Pajero’. Sana naman ay huwag tumigil ang LTO sa pagsisiyasat hangga’t hindi nailalagay sa likod ng rehas na bakal ang mga taong responsable rito. Ito lamang ang tanging paraan upang malinis ang kanilang tanggapan mula sa mga pagdududang ‘inside job’ ang ganitong mga raket.

    Maaari ring pumasok sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) upang tuluyan nang mabasag ang sindikatong ito at maparusahan ang lahat ng sangkot.

  2. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #2
    Hehehe onga eh. Parehong pareho. Pero halatang around 10 years ago pa ung pagkakamali na yun, since ung plate nya ung lumang edition/style pa. Ung green yatang Paj ang peke ung plate, tampered din ung chassis number. Pasahan na naman ng sisihan ang mga opisyal dyan sigurado.

  3. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #3
    who knows baka tatlo pa sila

  4. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,078
    #4
    eto ba iyon sabi ng isang owner na sa TMG official nia nabili ..
    kaya lang ayw sabihin ang name ng officer

  5. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    681
    #5
    worse baka carnap lang yung isa sa mga pajero na yan

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #6
    malamang karnap yung isa.

    Teka mapa check nga tong sasakyan ko baka may kambal din

  7. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    728
    #7
    actually, LTO has acknowledge this as a fact years back. your plate number could have a twin because of faulty records. that's why they are strict with the vehilce type and color

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #8
    This is the second incident of a 'cloned' GEN II in the news in recent years. The last one were both colored blue. The sad part is, the one who complained to the police eventually found out that his unit was the 'fake' Pajero and it was impounded on the spot.

    Your plate number COULD, in theory, have a twin because the license plates come from one of the crappiest transportation office in the world today.

    But engine numbers and chassis numbers will never be identical because they are stamped from the factory.

    There is also a secret number on most new cars today but even that can be tampered. It doesn't really take a genius to find out where the Pajero's secret number is.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #9
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    Your plate number COULD, in theory, have a twin because the license plates come from one of the crappiest transportations office in the world today.

    He-he! Pwede pala LTO natin sa Guinesss.........

  10. Join Date
    May 2005
    Posts
    2,244
    #10
    Matagal na gimik nato. Sangkot dito LTO and TMG. Kapit bahay ko na customer ko narin. Safari nya may kakambal din. Buti nalang naitabi pa nya resibo from casa. Nalaman nya lang ito problema kasi bebenta na nya. Nag verify yong buyer nabuko na may kakambal pala. Yong sa kanya may record din sa banko kasi installment nya kinuha. Ang naging resulta yong kakambal na impound na recover sa Visayas area, laki ng gastos nya para lang maayos ito. Kaya naman nya inayos ito kasi kinasuhan sya ng TMG ng carnaping bukod pa na impound din yong safari nya for almost a week. Nakatikim din ng kulong itong customer ko ha.
    Hindi biro ang maging biktima ng ganitong gimik.

    Kaya simula noon Pajero nalang binili nya. Katwiran nya pabirito daw ng mga loko-loko sa LTO yong Safari.

Page 1 of 2 12 LastLast
Kambal na Pajero? Only in the Philippines!