Baka magalit mga naka Fortuner sa sasabihin ko... tabi-tabi lang. Ang hindi guilty tahimik nalang. :D
More often than not, pag may Fortuner na malapit sa akin, meron akong mga bad experiences:
1. Naka HID na mali naman ang optics (designed for halogen). Eh alam natin kung gaano kataas headlights ng Fortuner... ayun lusot sa rear windshield ng mga sasakyan sa harap nya at silaw lahat pati kasalubong
2. Singit ng singit o barumbado sa kalye (gaya ng experience ni TS). Dinig mo yung whine ng turbodiesel at alam mo aggressive ang apak sa accelerator
3. Ayaw magbigay ng daan. Same behavior as #2
Joke nga namin ni misis kapag ang driver sumakay sa Fortuner, sinasapian sya ng ibang espirito. Passenger lang sya pero pansin nya rin. Parang ngayon lang daw nakapagmaneho ng SUV. Akala siguro Navigator dala nya. :D
Pero seriously, kahit pa nga ba Navigator dala mo, road courtesy pa rin dapat umiral. Equal pa rin dapat sa kalsada.
Again, di ko nilalahat. Ito ay aming personal observation lang. ;)