New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 15
  1. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    217
    #1
    A few weeks ago I received a call from this person looking for my wife. From a not so known insurance company daw siya and sabi sa akin na one of the selected few daw yung wife ko na pwedeng mag-claim ng free insurance. Sabi ko wala wife ko kaya ako na lang daw mag-claim in behalf of my wife. Tinanong niya ako kung may mga valid id's daw ako at least 3, so sabi meron ako. Last na tinanong sa akin is kung may credit card daw ako, sabi ko wala kahit meron. Sabi ba naman sa akin na di ko daw make-claim yung free insurance kung wala ako credit card. Sabi ko, di ba sabi mo you require 3 valid id's para ma-claim yung insurance, bakit kailngan pa ng credit card. Para daw sa signature verification. Sagot ko naman is, lahat ng id's ko naman may signature ko naman ah, bakit di pwede yon? Kailangan daw talaga credit card. So kung wala akong credit card di ko na makukuha yung insurance. Di daw talaga. Sabi ko, thank you na lang, then binaba ko na yung phone.

    May naka-experience na ba nito?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    93
    #2
    next thing he would ask you if you said yes, is for credit card details like expiry and numbers at the back of the card. then makakapag online purchases na siya.

  3. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    246
    #3
    yup, dumadami n naman mga scammers. lapit na kse magpasko e. mrn din tumatawag sa'min hanap erpat ko. one time ako nakasagot kunyari ako si erpat, kng anu-ano hinihingi info for verification daw na tama yng natawagan nya. sabi ko sa kanya magprovide sya ng info nila at san located office. nainis ba naman at sinabihan pa ko na malaking chance ang pinapalampas ko. sabi ko sa kanya alam ko number nya dahil sa caller ID(kahit wala) at ipapaverify ko sa kamag anak sa NBI. binabaan ako bigla. nyahahaha

  4. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    335
    #4
    i also got a call and telling me that i'm one of the few people who won the raffle for a lifetime insurance.. they said they were from prudential life.. when i elaborated how the hell they got my name, they said somebody referred me daw.. i can only claim it today or else it will be voided.. i was 8mos pregnant that time kaya yata ako medyo gullible.. so for short, i gave in.. i went to their office in makati with my sister to claim my so-called insurance.. pagdating namen dun, mukhang namang totoo yung free insurance but before you can claim it you have to listen to their other offers.. it's a selling tactic pala.. hay naku, nagpagod lang kame ng sister ko.. yan ang napapala ng mga gullible na tulad ko .. tsk.. tsk.. ..

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,919
    #5
    ang lalakas nga ng loob ng mga iyan eh, nung una pa text text lang eg. this is atty pakulong your mobile number is one who won ek ek ek ek...cguro naubusan yan ng load kaya via landline na lang tumatawag gamit ang directory.mga mokong yang mga yan.sana kung meron kang caller id na verify natin kung kanino number gamit niyan..i pm mo lang sa akin basta pldt number yan kuha natin yan kung kanino at san location niyan.

  6. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    246
    #6
    sige sir, abangan ko. dami tumatawag kay erpat na mga ganyan. cguro kse retiree na sya. sayang nga kse hindi nka activate yng caller id namin nung time na yun kse my dispute kmi sa bills namin dahil din sa feature na yun. hahaha...
    pro kng nakuha ko number nya ipapainvestigate ko tlga sa pinsan ko sa NBI pra matigil na din ang mga lokong yun

  7. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    1
    #7
    sakin din may tumawag last friday from purdential life daw sya, and nanalo daw ako sa draw nila ng isang fully paid plan,pinapapunta nila ako sa office nila somewhere in cavite, 25 lang daw kaming napili. they told me to bring 3 valid ID, and they asked me kung anu anong ID yung dadalin ko, tanong din sila kung may credit card ako visa or master card sabi ko wala,and kailangan ko din daw kasi yung 3 valid IDs sa pag ffill up ng form for visa or master card. pinapapunta nila ako kaagad kinabukasan para mag fill-up daw ng forms and para ma claim ko yung plan na sinasabi nila, at pag nag fill up daw ako magkakaron pa ko ng 5o raffle entries sa promo nila na trip to hongkong.
    tinanong ko naman sila kung pano ako nanalo e wala naman akong plan sa kanila, at wala naman akong kilalang plan holder ng prudential, baka daw may friend ako na nag entry ng name ko sa draw nila, at masuwerte daw na napili ako,
    nagtataka naman ako sa kaninla kung san nila nakuha name ko at pati yung number sa work ko, kasi dun nila ako kinontact sa number ko sa work e.
    feeling ko baka credit card scam yun e, baka paaapplyin lang ako for credit card dun.
    kaya nung pinapapunta nila ako kinabukasan, sinabi ko nalang na may pasok ako kahit wala at di ako nagbigya ng specific day kung kelan ako pupunta sa kanila. sabi nila tatawagana nalang daw nila ako ulit para iremind daw ulit ako.
    meron ba dito na taga prudential? meron ba kayong ganung promo today? kung wala sana malaman ng mga taga prudential life na may gumagamit ng pangalan nila for scam.

  8. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    84
    #8
    buhay pa pala itong mga scammers na ito. may kakatawag lang sa akin from prudential life daw. nanalo nga daw ako, together with 30 others, from among 1000+ na ni-refer ng clients nila. so from now, until 65 years old, may insurance na daw ako. BUT WAIT, THERE'S MORE. no cash out daw ako. so i ask where? but first i need to tell them that i will go. so ok i said i will go. please bring 3 IDs. Company, government and credit card. May credit card daw ba ako. yes naman ako. BUT WAIT THERE'S MORE. yung second part, i have 25 raffle tickets daw for 50,000 pesos tax free (tamang-tama naman at a few minutes lang e, i was thinking where to put my money to earn at least 50K - stocks, deposits, funds, etc.). pero gut feel told me may catch. i then asked where, sa RCI building daw, 6F rada building. pwede raw sila 9-6 weekday or 9-4 saturday. kelan ko daw puntahan. sabi ko saturday na lang. labas ako ng 530pm e, di ako abot ng 6 sa makati since ortigas ako. abot daw ako. sabi ko hello!!! tapos sabi nya, antayin ko po kayo sir. so sabi ko saturday na lang. lastly, she asked for my cell number, sabi ko, no i'll get your number. pero "sir how can i know na darating kyo." sabi ko, if you give me your number then i'll text you that i'm coming.

    anyway, pagkatapos nagsearch agad ako sa google ng prudential life, and ang official office nila is not in RCI building. Plan ko tawagan sana yung hotline pero i searched ulit prudential life scam. dito ako napunta sa tsikot, hehehe. Thanks tsikoters. Hindi lang kyo pang auto, pang sports pa!! Scam pala yung lokong yun. Hehehe

    Sa mga gusto mag text brigade, here's her number 09054290628. Text nyo na, at balitaan nyo ko. EB na yan. Hehehe.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,059
    #9
    since early 2006, monthly may tumatawag sakin ganyan.. minsan nasisigawan ko na.

  10. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,177
    #10
    Sabihin mo 3 ID mo are:

    1.) CIDG ID
    2.) Firearms License
    3.) Mission Order

    Di ka na guguluhin nyan, hihihi...

Page 1 of 2 12 LastLast
Insurance Scam...