New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 20
  1. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    39
    #1
    share ko lang po yong experience namin kahapon. pag may nakita na kayo na mga military trucks try to keep your distance na

    pauwi na kami galing pangasinan kahapon bago mag 3 pm & we were about 3 kms from balintawak toll plaza ng maabutan namin convoy ng mga sundalo there were about 20 or so military trucks na puno ng sundalo. naglokohan pa nga kami ng husband ko na me coup na naman ba kasi nga ang dami nila & yong iba naka-display pa yong mga m16 nila. behaved pa sila magpatakbo they were all in one lane lang. nalampasan na naman sila then when we were already in the munoz area malapit don sa me u-turn slot me narinig na kaming wang-wang sila na pala yon & me escorts na sila dito na nagsimula yong paekis-ekis na sila ng takbo tapos ang bibilis pa. me isang starex na pupunta sa right side nauna na sya don e bago pa man dumating itong mga wang-wang dinuro-duro sya ng isa sa escort na kotse na nagpaiwan na while the trucks were speeding past us. tuloy lang kami ng takbo kasi andon kami sa innermost lane dahil magu-u turn kami sa me sm north tapos sila don naglulusutan 2 lanes from us. nong malapit na kami sa u-turn slot sa sm north bigla nagcut sa amin ung truck bigla kabig husband ko sadsad na kami sa gutter tapos meron pa pala isa nakita ko na katabi ko na yong gulong so pumikit na lang ako expecting na babanggain na kami dahil di na kami makakaiwas dahil nakasadsad na nga kami sa gutter luckily di naman kami nabangga. ang sabi ng husband ko tsaka yong kasunod namin na sasakyan bigla nga daw kumabig sa kanan almost hitting naman another vehicle. gusto ng husband ko habulin & mag-reklamo sabi ko pabayaan na lang dahil wala rin mangyayari. kasi me experience na rin kami company vehicle naman nabangga ng military truck din tinuro-turo kami kung saan-saan kampo sa laguna, sa aguinaldo sa fort bonifacio di na lang namin pinursue pinasagot na lang sa insurance.

    so aside from gasgas na rim yuping stepboard & pagpawisan ng malamig ok naman na kami. pero ayoko muna mag-drive pupunta pa naman sana ako big berts sa wed next week na lang husband ko na lang magdala takot akong mag-drive mag-isa.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,500
    #2
    Sorry to hear that.

    May previous thread dati with your similar incident.

    Kaso ang problema may batas daw na hindi babayaran nang Military ang gastusin at pwede pa daw sila idemanda kasi you can be a treat to them.

    My 2 cent.

  3. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    49
    #3
    That's where our taxes go!

    For me, I just pray....... na kunin na sila ni Lord.

    and dump them somewhere else.....you know where....

  4. Join Date
    Apr 2004
    Posts
    653
    #4
    soorry din ho..sa pilipinas kasi nag-ugat 'yang mga asal aso ng mga militar nong panahon ng martial law..so hindi na natanggal sa mga utak lamok nila ang ganyang pasasa sa kapangyarihan dahil na-baby na ng husto don sa mga adventurism nilang mga coupdetat dito't don..

    ilang ex-general ng napunta sa congreso pero ni hindi man lang nakapagpasa ng mga bills targeting-in on these kind of arrogant & undisciplined men in uniforms..mga pulis patola..kutong cops..hulidaps..copnappers..etc.

    gumising kayo jann..!

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    7,205
    #5
    kakagigil talaga yang mga abusado sa gobyerno. :mad:

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,761
    #6
    anong branch of service po yun?
    i guess may military peeps dito sa tsikot who might be able to assist you kahit pano..
    at least makarating man lang sa inuukulan kung sino yung gagong driver na 'yun.
    i believe no matter what the emergency or urgency is..dapat yung safety pa rin sa daan yung iisipin nung driver na yun..

    wag ko sana silang makasagupa..
    they might lose their job! :mad: ..

    or better yet..i'll get hold of their salaries..
    at sisiguraduhin kong di nila makukuha suweldo or benefits nila.
    bwahahahaha
    *joke lang po*

  7. Join Date
    Jan 2004
    Posts
    300
    #7
    Originally posted by tagalnasaabroad
    soorry din ho..sa pilipinas kasi nag-ugat 'yang mga asal aso ng mga militar nong panahon ng martial law..so hindi na natanggal sa mga utak lamok nila ang ganyang pasasa sa kapangyarihan dahil na-baby na ng husto don sa mga adventurism nilang mga coupdetat dito't don..

    ilang ex-general ng napunta sa congreso pero ni hindi man lang nakapagpasa ng mga bills targeting-in on these kind of arrogant & undisciplined men in uniforms..mga pulis patola..kutong cops..hulidaps..copnappers..etc.

    gumising kayo jann..!
    sir tagalnasaabroad,

    with all due respect, how long have you really been abroad? kung matagal ka na talaga, kaya pala siguro di mo na napapansin mga pagbabago.

    asal aso? utak lamok? i dont think so bro.

    lets not lambast anyone and generalize everyone in the military. for your information sir, marami pa ring men in uniform who uphold what the uniform stands for.

    in the military, there is a built in discipline, law and order office in every organization they have. if you have any complaints against the military, you can either submit a letter to the provost marshall general sa camp aguinaldo and i'm sure they'll take appropriate action on your letter.

    sir AtongK, what can you say?

  8. Join Date
    Jul 2004
    Posts
    39
    #8
    wreckless nong madaanan namin sila sa expressway meron truck na marines meron din paf di lang namin alam kung yong marines ba o paf yong 2 trucks na nag-cut sa amin maski nga plate # di na rin namin nakuha kaya sabi ko nga sa asawa ko pabayaan na lang.

    kung me makakatulong sa amin mas maganda it will be very much appreciated pero ok lang kung wala di naman na kami talaga maghahabol na. shinare ko lang to serve as warning to others.

    tagalnasaabroad me naging presidente na nga tayo na galing military e ala rin naman nangyari plus sa mga alipores ni gma ngayon dami ring from pnp/afp. ingrained na siguro sa kanila yon o kaya don na lang sila bumabawi sa liit ng mga suweldo & benefits nila sa pagiging abusado. in fairness din naman di namn lahat from afp & pnp bugok e meron din naman matitino yon nga lang outnumbered pa rin sila.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,470
    #9
    I don't think it's right to generalize. There are a lot of military men who are honorable. I grew up in a family where almost all are connected to the AFP. I was also connected to the military but chose the civilian life pero I missed military discipline.

    The only thing I can say is that whenever there are military convoys just keep your distance. You will never know kung anong mission nila at baka maging sagabal pa tayo or tayo pa ang maging cause ng delay. Pag ambulance ba yung muntik nang makabangga sa yo would you curse the ambulance driver??? Same thing with the military truck di ba???

    I'm glad ma'am lmp and her husband just kept their cool kasi kung hinabol pa nila yung military truck the worst might have happened. On the other hand mas marami pa ngang truck drivers dyan na mas loko di ba???

  10. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    814
    #10
    ma'am for me since wala din naman major damage sa vehicle nyo pabayaan nyo na lang. mas malaking sakit sa ulo yan kung hinabol nyo pa and mas malaki pa magagastos nyo kesa paayos nyo sa kanila. Baka balikan pa kayo nyan, mas mahirap yun.

Page 1 of 2 12 LastLast
ingat sa mga military trucks