Experienced this last Feb. 2...Roxas Blvd. corner Airport Rd....2 teenage kids, both males, modus is to wipe the windshield...had no choice but to give them a few coins...parang may hawak kasi na bato yung isa...nakakatakot...baka basagin yung salamin or ihampas sa kotse...kawawa ka naman sa ganun...hostage ka talaga. I wish I had a gun with me that time...sana tinutukan ko na lang para umalis, but then again, baka lalo pa ako napa-gulo if I did that...at least di na-damage yung sasakyan.
Paminsan bigyan mo ng maliit na "tip" aangal pa nga sila eh. If I can't avoid them, I give them ONE pesoayaw nila? Ibalik nila ("ay, madami na po ito boss")
I had a bad experience na kasi dati when I didn't give them. Streaked the whole left side of my car with their "wipers" so to avoid a similar incident, I either avoid them completely or put on shades and lower my side windows a bit to look menacing (sabay +volume para mukhang bad boy). Hahaha!
At least hindi pa ako nakaka-experience ng binato yun windshield.. ouch kay Sir Otep.
Common places:
1. Araneta Ave papunta Santa Mesa
2. Sta Mesa papunta Pandacan Bridge
3. Quirino Ave Extension papunta Pandacan Bridge
(4) Yun road papuntang Nagtahan Bridge
3-4 times ko sila na-encounter everydaypro na ako!
almost everyday kasi akong dumadaan ng nagtahan kaya sanay na din ako sa mga ito, dati nung pwede pa wang wang(hehehe), dalawang woot woot lang aalis na mga gago, actually nagpalagay ako para lang doon at never ko pang ginamit bukod sa pagpapaalis ng mga demonyong bata, so ayun na, noong nauso na yung tanggal wang wang, naglagay ako ng suka+sili na datu puti sa isang spraying bottle, kaya tuwing bubuhos sila ng sabong panlaba sa sasakyan ko, tatawagin ko kunwari bibigyan ng barya, tapos bigla kong iisprayan sa mata at sasapakin bigla ng malakas, nagawa ko na ito 3 times na, yung isa gumanti binato ng bato yung sasakyan ko, buti nalang at pick-up ito at nashoot lang doon sa bed
pero bro tinry ko lang ito doon sa mga medyo binata na, pag sobrang bata ay wag naman, baka mamatay pa, actually yung nambato nga ay medyo may edad na, mga 16-18 siguro, sa may blumentritt extension papuntang chinese gen, daming malalaki na ang katawan eh nanglilimos pa din at nag-force window wash pa rin, haaay pinoy!
Kanina kahit umuulan marami pa rin sa may A. Bonifacio malapit sa Chinese Cemetery.
Ako mga sir, nilalabas ko phone ko At pinapakita ko sa kanila na pinipicturan ko sila, ayun, everytime dedma
Sila at umaalis ng calmado) just be sure to lock your doors ha at baka ma agawan kayo ng CP haha
Posted via Tsikot Mobile App
Kanina I was on my way to Makati at ang daan ko ay Quirino Ave. Pakaliwa na ako ng Osmena Highway nang inabutan na ako ng red light so me, being a law abiding citizen stopped and waited for my queue to go. Pagtigil ko lumapit agad ang tatlong teens at sinimulang linisan ang mga salamin ng sasakyan. I was honking at them para sabihin na ayaw ko magpalinis pero tuloy parin. So then wala na ako choice kahit nakikita kong tubig na marumi ang gamit at yung squidgee na gamit nila ay parang gumagasgas sa window...for short, mas nakakarumi at nakakasira kaysa makalinis.
At ayun tapos na nila paikutan ang sasakyan at sabay katok na sa side ko. Hesitant pa ako magbigay dahil hindi ko naman ginusto ang service nila pero nag abot na din ako ng 5 pesos para umalis nalang...aba nanghihingi parin yung 2 kasi isa lang daw ang binigyan at 5 pesos lang daw yun. Ang sinagot ko "Seryoso kayo?, hindi ko naman ginusto na nilisan nyo ang sasakyan ko. Kayo ang lumapit at binusihan ko na kayo ng una para lumayo kayo pero tuloy parin kayo. Binigyan ko na kayo ng 5 pesos at hindi pa kayo masaya? humingi kayo ng hati nyo dun."
Mas naging observant na ako sa paligid ko, checked kung naka lock ang doors at tingin ng tingin sa paligid kung may mangagasgas at hahampas sa sasakyan ko...although nakikita ko naman na maraming motorists sa tabi ko na BAKA tumulong sa akin if ever naging alisto pa din ako. Pinapaalis ko na at kinakatok yung 2 at nung nag Green light na, humarang sa may left side yung isa at nagmumura na bumaba ako at para naghahamon. Gusto ko na sana sagasaan pero dahil nga parang marami sila dun ay hindi ko na pinatulan...Kung yung fortuner lang gamit ko malamang tinuruan ko na ng lection yun...pero Mirage lang gamit ko kanina hihi
^ if I were in your case ibababa ko bintana (slight lang) then tell them na Huwag ituloy with waving hands pa as saying No tapos sabay sa busina. Done this before works for me naman but as we all know that it might be risky baka modus lang din nila. Good thing di mo na pinatulan maski naka Fortuner ka pa.
Sent from whatever device I got my hands on via Tapatalk
Yang sa may pakaliwa sa Osmena highway kahit binaba ko na bintana and sinigawan ko na wag, tuloy pa din tapos lipat sa kabilang side. Sinigawan ko na nga ulit tuloy pa din.
Kakatok sa bintana tapos pag hindi mo bigyan, kakatok ng masmalakas gamit yung singsing. Umalis din bigla nung nakita binuksan ko na pintuan.
Minsan sa inis mo, hindi mo naiisip ginagawa mo.![]()
^Wag ka na magbukas ng bintana sir, lalo na pintuan. Sa dami ng mga yan baka may sumalisi sa ibang side, or worse forced entry.
What I do when Im in the left turn to Osmena highway is I leave a car length in front of me so when the hugas car boys come I just creep slowly (or quickly depending on my mood).
I never open my window and door, I double check that my doors are locked as well.
Marami pala tayo dito na naiinis diyan sa hugas boys sa Osmena highway leftturn area... ganyan din ginagawa ko pero minsan kasi may mga sisingit pa wala na space para umabante hehe...
badtrip pa diyan kung talagang hindi napigilan ang paghugas eh ang tapang nung sabon nila (dishwashing liquid siguro yun) ...magmamantsa sa body ng kotse yung talsik; pansin lalo kapag puti ang kotse tatangal kasi yung stains/libag.
pansin ko sa kanila, malayo palang businahan na agad hindi na sila lumalapit OR malayo palang pag tipong aabutan ako ng red light nag lalagay ako 2 cars distance sa harap para pag lapit nila sabay abante ako ^__^
minsan habang naglalagay sila ng sabon sa windshield nagwiwiper ako at busina, umaalis naman sila... so far hindi pa naman nila ako kinatok (hopefully huwag dahil madali madent strada ko)
Lumilinis ba talaga? Parang dumudumi lang lalo.
http://docotep.multiply.com/
Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.