Laganap na ang raket ng mga Hugas-Windshield Boys dyan sa may Airport/Tambo area sa Paranaque.

May bitbit silang mga baldeng tubig. Kapag huminto ang kotse mo sa traffic light, bubuhusan nila ng tubig yung windshield mo tapos pupunasan, then hihingi ng bayad. Ang dami nila. Kalimitan mga bata at binatilyo. Parang isang gang sila. Grupo-grupo na may balde.

Meron dyan sa stop light sa coastal road sa tapat ng Coastal Mall.

Meron din dyan sa stop light sa Tambo, yung papuntang St. Pauls Paranaque.

Meron din dyan sa stop light sa MIA Road papuntang Domestic.

Then meron din dyan sa stop light sa kanto ng Sucat Road papuntang NAIA Terminal 2.

Kahit malinis yung kotse mo, bubuhusan nila ng tubig. Mukang malakas ang raket nila dahil sobrang dami na nila. Buong baranggay yata nila eh naka-abang dun sa bawat stop light, naghihintay ng bubuhusan ng tubig.