New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 20 of 97
  1. Join Date
    May 2005
    Posts
    689
    #1
    Laganap na ang raket ng mga Hugas-Windshield Boys dyan sa may Airport/Tambo area sa Paranaque.

    May bitbit silang mga baldeng tubig. Kapag huminto ang kotse mo sa traffic light, bubuhusan nila ng tubig yung windshield mo tapos pupunasan, then hihingi ng bayad. Ang dami nila. Kalimitan mga bata at binatilyo. Parang isang gang sila. Grupo-grupo na may balde.

    Meron dyan sa stop light sa coastal road sa tapat ng Coastal Mall.

    Meron din dyan sa stop light sa Tambo, yung papuntang St. Pauls Paranaque.

    Meron din dyan sa stop light sa MIA Road papuntang Domestic.

    Then meron din dyan sa stop light sa kanto ng Sucat Road papuntang NAIA Terminal 2.

    Kahit malinis yung kotse mo, bubuhusan nila ng tubig. Mukang malakas ang raket nila dahil sobrang dami na nila. Buong baranggay yata nila eh naka-abang dun sa bawat stop light, naghihintay ng bubuhusan ng tubig.

  2. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    8,555
    #2
    If its raining lightly ... one deterrent is to leave your wipers on. They usually clean jeepney and truck windscreens ..

    I had an experience with them once ... kahit sinabihan ko na wag .. tuloy pa rin ... I turned on my wiper to full ... ayun masakit ang kamay ni makulit .. hampasin ba naman ng monowiper ng MB.

    Ingat din sa mga yan ... who knows what they're up to.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #3
    kahit naka bukas wiper mo pupunasan pa rin ng mga yan. usually pag umuulan o umaambon nila ginagawa yan. kahit senyasan mo na wag itutuloy nila minsan lalo na pag mga binatilyo na. pero yung mga bata don sa papuntang domestic naaawat naman. saka walang alalay yung mga bata don sa domestic. yung sa coastal meron. isang tiga punas at isang tiga banlaw. ginagawa ko slow mo ako pag malapit na sa stoplight para umaandar pa rin ako. para sakto minsan nalalagpasan nila ko. hehehe

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #4

    Matindi ang iba riyan,- tumatakbo na ang sasakyan,- nakasampa pa rin sa stepper board, at todo punas ng windshield...

    Hindi bumibitaw; talo asar....

    11.8K:burn:

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #5
    Huminto ako quite a distance from the vehicle in front. Nung lumapit yung hugas windshield, umabante ako.

    Yung bata kumuha ng bato sa gilid ng daat at umumang na babatuhin ang windshield ko.

    Pakibaril na lang siya pag nakita niyo. Thanks.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  6. Join Date
    Jun 2009
    Posts
    838
    #6
    hay nako letche yan mga nalatambay na yan sa may malapit sa airport. lalo na kung suv dala mo, sasakay sila sa stepboard kahet umaandar hanggang bigyan mo saka lang sila bababa. pag binigyan mo barya magagalit pa. sinisilip nila if may laman na bagahe o box un likod e. so pag may laman alam na nila na balikbayan at hihingan nila pera. the best pang may kotse dala para di obvious kargada unlike kung can o suv. just this december 8x ako nagpunta airport dahil umalis kame family at nag hatid sundo din ng friends and relatives. nakakatrauma the first two times. kaya nag skyway na lang ako the rest. libre pa naman :D i suggest as much as possibe to avoid the area especially the one near the intersection of uniwide coastal mall

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #7
    problema eto route ko araw-araw going sa mckinley from cavite. swerte lang sa may coastal nasa may left most lane sila.

  8. Join Date
    May 2007
    Posts
    932
    #8
    bakit ba walang nagagawa ang mga authorities dito. Marami din sa mayon/a.boni at sa may chinese gen.

  9. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    607
    #9
    Quote Originally Posted by foifoi05 View Post
    bakit ba walang nagagawa ang mga authorities dito. Marami din sa mayon/a.boni at sa may chinese gen.
    So what else is new with the Philippines?

  10. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    107
    #10
    Sa may Sta Mesa Centerpoint din.. sobra at may kasama ring binatilyo. Minsan sa hood talaga umaakyat hangang bayaran sila. Yung mga pulis nasa kanto lang pero walang ginagawa.. Bwisit!

  11. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    60
    #11
    sa may intersection ng sm centerpoint sta mesa nag umpisa na rin magkaron ng mga ganyan.

    ginagawa ko is to maintain about 3 car distance away from the car in front of me...more room to move...pag lumalapit na abante ako konti...so far effective naman.

    dapat ma chanel to sa mmda or sa local traffic enforcers para masaway e...road hazard na sila, most of the time dumudumi lang lalo car mo at the same time, parang nagiging extortion na rin since tendency is magbigay ka na lang para umalis at baka gasgasan ka pa...useless din patulan kasi they can easily run away and go inside the side streets.bottomline, talo tayong mga motorista! kainis!

  12. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    309
    #12
    isa pa mga yan! minsan sabon panlaba ang gamit so ang mangyayari magasgas yung windshield mo dahil may granules yung sabon. bawal yan, lalo na mga minors tapos nagttrabaho tapos nasa gitna ng daan. triple threat!

  13. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    1,093
    #13
    Technically, what they do is extortion.

    Forced, unwanted 'service' in exchange for the assurance of not inflicting damage on your property. In this case, your car.

    Law enforcement should take notice. Not that I expect them to, since they're too busy picking on security guards, raping suspects in custody or taking tourist bus hostages.

  14. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,407
    #14
    Madami iyan at nagkalat na dito sa buong Metro, I think only the DSWD can apprehend them if they are below 18 years old.

  15. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    60
    #15
    kaya naglipana ang mga minors being on the frontline of crooked and wrong doings...simply because may magaling na senator na nag recommend at ginawang bill na ang mga minors ay bawal makulong.

    kaya ayun pyesta ang mga ogag ngayon! since by law bawal sila ikulong...ang lalakas ng loob.

    i dont believe that porke minor e hindi dapat kulong...as long as nasa age of reasoning dapat hulihin yang mga yan e! ..tapos gawan na lang sila ng sariling selda...yung mga minors din ang kasama nila. in that way natuturuan din sila ng leksyon ng hindi rin nahahalo sa mga matandang inmates

  16. Join Date
    Mar 2010
    Posts
    420
    #16
    Had one bad experience din sa kanila, yung tubig na ginamit marumi! Halos gray ng yung color at sabay punas gamit lang basahan, akala ko ma pupuno ng scratch yung kotse ng sister-in-law ko. minsan lang ako nagawi sa area na yun nadale pa. hays.

  17. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    607
    #17
    Pull down your Windows and tell them to STOP!

    Works everytime for me. Specially in the Araneta QC area.

  18. Join Date
    Oct 2010
    Posts
    480
    #18
    eto mga karanasan ko sa kanila:

    - sisilip sa bintana at kung sakali man na meron sila makitang pagkain, hihingin pa.
    - kapag meron ka pera na nakalabas, hindi ka nila tatantanan. kapag umiling ka o umayaw sa limos, ituturo yung pera mo na nakikita nila mula sa labas.
    - yung ibang medyo matanda na o bihasa na sa paggawa ng kalokohan, duduraan yung salamin mo kapag hindi nila nakuha ang gusto.
    - kung hindi dura, isang matinding ding sa oto ang katapat.

    kawawa tayo sa "acts of nature"

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,012
    #19
    ako sa may quirino paliko ng osmena hi-way, hindi ko binigyan ng barya, dinuraan yung pickup and tinadyakan yung fender ko. buti walang gasgas. sarap sapakin yung mukha.
    Last edited by KCboy; January 10th, 2011 at 06:19 PM.

  20. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,760
    #20
    Oh wow. Parang anarchy na sa lugar na yan. Mga bata na ang nangha harass ng matatanda/motorists. Pag laki ng mga batang yan most likely maging criminal. Medyo crime na nga yung ginagawa nila as mentioned above extortion na. I'd be really scared if I came across those children.
    Last edited by _Cathy_; January 10th, 2011 at 06:33 PM.

Page 1 of 5 12345 LastLast
Hugas Windshield boys