Dati diyan ako nagpapaservice nung EK ko, siguro from 1998-2001 yun. Since 2002 ayoko na sa kanila. Naging epal yung mga SA at napakalousy ng service. Yung huling beses na nagpaservice ako sa kanila, nirecommend nila na palitan na yung shocks which cost P6,900 each sa kanila. Ang ginawa ko bumili ako sa labas sa Chandler, P3,100 each lang at orig din. Nung dinala ko sa casa sabi ba nung SA ko, "Uy sir, nakamura kayo dito, a. Orig pa 'tong nakuha niyo." So kinabit at ayos naman yung ride ko although ang dumi ng unit ko after the job at puro finger marks na may grasa yung engine bay.

After a year, nagdevelop ng knocking sound sa front, so pinacheck ko uli sa kanila pero wala na yung SA ko dati. Aba, ito ang nakasulat dun sa diagnostic report: need to replace left & right front shock absorbers (not original). Tapos yung epal na SA sabi pa, "Kasi sir minsan sa sobrang pagtitipid, mas lalo kayong napapamahal." P**#$%^mo! Immediately, pinull out ko yung ride ko at dinala sa suking Servitek at ayun, nadiagnose nila na ang may sala ay yung mga stabilizer link which costs P3,600 each sa casa pero nakuha ko lang ng P1,800 sa Chandler, orig.