1. Mas advisable po na ibigay na lang ninyo ung gusto kunin ng mga holdaper.
2. Yuko lang kayo, wag mag eye contact, meron mga cases na pag pakiramdam ng holdaper na namukhaan mo sila, tutuluyan ka na lang, since pag walang testigo walang kaso.
3.1 Kung sagasaan mo at mabuhay, problema mo din yan, mag korte pa kayo, mas malaki ang magagastos mo sa kaso kesa sa amount na makukuha sayo (in this incident 3K at wedding ring).
3.2 Kung sagasaan mo at mamatay, mas malaikng problema, meron pamilya yan na sanay kumain ng galing sa nakaw, hindi na nakakagtaka na ung kapamilya nyan ay magnanakaw din, meron chance na huntingin ka at gantihan, paano kung kasama mo family mo ng time na gagantihan ka.
4. Trauma, hindi ka naman likas na masama, mas madali kang makaka-recover kung manakawan ka lang, pero kung nagkaroon ng pysical (or death) hindi basta basta nakakalimutan yan.
Ang sasakyan mo pwede mo ma-insured para kung masira or ma-carnap meron kang matangap na monetary equivalent.
Ang pera, alahas o gadget pwede pa din mapalitan, magsikap ka lang ulit.
Kung ma injured ka, habangbuhay na yan, kung masama ang injury mo hindi ka na makakapag hanap buhay, maghihirap ang family mo para suportahan ka.
Kung mamatay, end of story na sayo, paano ung mga maiiwan mo, ready na ba sila na mawala ka?