na side swipe ako last night sa SLEX ng isang SUZUKI APV van, bago pa, walang plate number. hinabol ko siya signalling with my headlights, pero lalo lang binilisan, siguro alam niya na aabutan ko siya, bigla nag exit ng filinvest, alabang. sad thing was, I tried telling the teller sa toll gate na binangga kami nun nasa kabilang booth, pero hindi niya pinigil, same thing with the toll booth guards. ang sabi pa nila, "sir, wala plaka, malabo niyo na mahabol un". tama ba naman na isagot mo yun sa nagco-complain? anyway, buti na lang wala nangyari na masama sa mga kids ko which were with me at the time.
is there any chance na ma-trace pa yung sasakyan? nakuha ko lang yun conduction sticker number 7b9999. salamat po sa magre-reply.