Hindi na rin reasonable yung ginagawa nung mamang driver. Alam niya na willing kang magpabayad kahit magkano kaya sinamantala na niya. Sorry to say this pero may hangganan din naman ang kaya mong i extend na tulong sa kanila. Yung hinihingi niya para sa sakit nya pero bakit naman ayaw pang ipa release sasakyan mo at mukhang iipitin ka pa ata. It was unfortunate that it happened pero accidente naman yan na walang me gusto. If I were you, bigyan mo na lang yung kaya mo at sa tingin mo eh reasonable. Or hayaan mo na lang siyang magfile ng kaso.. anyway, matatagalan naman yan kung sakali at makapag isip isip na rin yung mamang driver kung tama nga ginagawa niya o hindi. Do not be blackmailed into giving in to something which you know is not fair and just to both sides. Hindi biro ang 50k. Puwede naman siyang (mamang driver ng tricycle) tulungan in another way basta madali siyang kausap, hindi po ba?