guys, im not sure if i'll be posting my friend's problem here. i need your thoughts on this.

sabado, hinatak ng driver ng friend ko ang corolla na 97 dahil ayaw nitong umandar, gumamit siya ng owner. napansin siya ng pulis at sa tingin ko mali ang ginawa niya since private towing another private, nang hinananpan siya ng papel wala din siyang maipakita. kaya humirit ang pulis ng lagay, 5k ang hinihingi sa takot ng friend ko nakapagprepare siya ng 5k sa pinakamabilis na panahon. gulat na lang niya ng tumwag ang pulis sa hepe at sinabing 50k na ang asking, so from 5k naging 50k. di lng un, threatful pa ang hepe pag di binigay ay dadalhin un sa tmg, then crame pa pag nagkataon. so choice is 50k balik kotse or demanda at nagbigay pa siya ng deadline, friday.

afterwards, nalaman ko na wala palang papel ang corolla na un. pinambayad sa knya, nangako ung seller for the papers after a week; un pala umalis na papuntang australia. even ung plate, fake din. naisip ko naman, baka pwedeng areglohin na lang ng 30k man lng pero matigas ang hepe, ayaw daw niya ng madaming kinakausap, mas madaming nanghihimas mas demanda na lang ang gugustuhin niya.

guys, di ba threatening na to? may laban ba ang friend ko this time? ano bang mga kaso na pwedeng ipatong sa friend ko dahil walang papel and fake plate? pano naman ung driver niya na nahuli, malaki sobra ang 50k