
Originally Posted by
Asus700
Kanina naglalakad kami ng misis ko at 15 months old baby namin, tumawid kami sa kalsada (naka stop naman dahil mayrong traffic aide) ng ang x-trail na nasa harap namin umarangkada eh nasa harapan nya kami. Siguro mga 12 inches lang nabangga nya na misis ko. Napatingin ako sa kanya ng masama, tinted yung window so hindi ko gaano namukhaaan. Ng medyo makalampas kami biglang pinaarangkada uli yung sasakyan nya. Nag init talaga ulo ko eh, nasa side pa naman nya yung misis at baby namin. Gusto kong sipain yung sasakyan nya, buti na lang nag go yung traffic enforcer at nakontrol ko sarili ko.
Bakit mayroong mga gunggong na ganun?