New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 25
  1. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,343
    #1
    Mga Peeps,
    Papunta kami ng Clark ng Nob 30 galing Baguio, sa parte ng San Manuel, Tarlac merong batang biglang tumakbo sa pagtawid... biglang iwas nung driver ko pero nahagip pa rin siya ng side mirror at dahil sa pag-iwas pati yung tricycle na nakaparada sa tabi ay nadamay.
    1.) Itinakbo namin yung bata sa Ospital ng Villasis, Pangasinan for full and thorough check up for 2-days (CT scan included). Thank God she's OK. Tanong ni esmi sa bata nung conscious na at pwedeng ng lumakad bakit tumakbo siya, "sagot ay... akala ko auntie malayo pa kayo". Case settled with the parents.
    2.) Yung tricycle sa tabi... ang driver nagpapahinga sa loob. Sa prisinto na nakausap ni esmi, tapos ayaw magpa-check up o magpa-confine...
    >>> bigyan na lang daw ng pampadoktor. Bigay si esmi ng 5K at pumirma siya ng kasulatan (saksi ang police chief sa agreement) na hindi na raw kailangan magpa confine o check up na kasama si esmi at lahat ng resibo ay ibigay niya pagkatapos niyang magpa check up ng sarili. Lahat ng findings ay normal, mga 2k+ lang nagastos niya di na kinuha ni esmi yung sukli.
    >>> yung tricycle niya ay kailangan ipagawa... pina estimate yung damage mga 10k daw, pero ginawa ni esmi ay tinawag ang kuya ko (may alam ng konti sa motor) siya na lang nag-ayos at pinalitan lahat ang sira pero yung kailangan na ayusin sa side car ay sa welding shop na.

    Heto ngayon ang problema... nung bumalik na sina esmi para iuwi yung sasakyan namin, ayaw payagan ipa-release nung tricycle driver. humihingi ng 50k kundi daw magbibigay ay magdedemanda. Ang Police Chief na ang kumausap sa driver pero ayaw pa rin... tapos sabi nung Hepe, pabayaan mo na siyang magdemanda. Bago naka-alis sina esmi ay meron inabot ng driver na 8 pages na sulat galing sa kanya at yung hinihingi daw na 50k ay tulong na raw namin dahil daw meron siyang sakit sa bato??? Insurance na ang kausap nitong diver sa ngayon. Pero panay pa rin ang text ni mamang driver kay esmi at medyo naiirita na. Ano ba ang pinaka magandang gawin para tumigil na itong "luko-lukong" driver.

    Pasensya na kung medyo mahaba at magulo ang aking paglalahad. BTW, am going back to Malaysia at that time kaya nag commute na lang ako at di ko nasamahan si kumander sa pag-ayos ng problema.

    TIA
    Last edited by Gumusut_Amige; December 18th, 2006 at 10:25 AM.

  2. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    280
    #2
    gumusut, sorry to hear about your problem.

    from a legal perspective, when the driver swerved to avoid the child, he was justified in hitting the tricycle because this caused less harm (though it may have been unintended), hence at least you know there's no criminal liability but only civil liablity for the damage.

    on this point, i take it you have already restored the tricycle to its original state by fixing it. hence wala ng ihahabol yung tricycle driver dahal kung ano mang damage sa kanya, indemnified na siya. mag file man siya ng kaso, wala na siyang mahahabol.

    parang naghahanap lang ng balato yung kumag. you can take the active route and deny his claims in some way (lawyer's letter, harsh text) or just have your wife and driver change their telephone numbers. good luck.

  3. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    636
    #3
    panggagantso na ang ginagawa ng tricycle driver...palitan na lang ninyo ang SIM ng cellphone para hindi na niya maistorbo si esmi mo.

    me sakit daw siya sa "bato" ? me sakit nga sa bato -"batugan" - at gustong magkaroon ng easy money na hindi niya pinaghirapan.

  4. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    1,266
    #4
    Hindi na rin reasonable yung ginagawa nung mamang driver. Alam niya na willing kang magpabayad kahit magkano kaya sinamantala na niya. Sorry to say this pero may hangganan din naman ang kaya mong i extend na tulong sa kanila. Yung hinihingi niya para sa sakit nya pero bakit naman ayaw pang ipa release sasakyan mo at mukhang iipitin ka pa ata. It was unfortunate that it happened pero accidente naman yan na walang me gusto. If I were you, bigyan mo na lang yung kaya mo at sa tingin mo eh reasonable. Or hayaan mo na lang siyang magfile ng kaso.. anyway, matatagalan naman yan kung sakali at makapag isip isip na rin yung mamang driver kung tama nga ginagawa niya o hindi. Do not be blackmailed into giving in to something which you know is not fair and just to both sides. Hindi biro ang 50k. Puwede naman siyang (mamang driver ng tricycle) tulungan in another way basta madali siyang kausap, hindi po ba?

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,343
    #5
    yung nga sabi ni esmi, napakalayo naman yung sakit niya sa bato sa aksidente!
    yun din ang sabi ko kay kumander na palitan na lang yung sim niya dahil pati yung abugado raw ni kulukoy ay tumatawag din sa kanya.

  6. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    728
    #6
    get a lawyer to write you a letter, stating the facts, etc. etc.

    to everyone: when you give money to pay off damages, get them to sign a notarized letter (what was that called again? a quit and something something).

    so when they go back to get "extra" money. send them the letter they signed together with a letter from your lawyer.

    that'll shut them up.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,496
    #7
    Change number.
    Kapag na track down kayo at na-harass pa, demandahin mo!

    Katarantaduhan ginagawa ni mamang driver. Inareglo nyo na nga at ngayon humihingi pa si loko, sarap hampasin ng martilyo sa ulo

  8. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,848
    #8
    Mga tao nga naman... mananamantala na! Sinasamantala nya kase nagbigay ng pera nuong una. Sa simula pa lang eh obvious na, biruin nyo humingi ng pera at nde nagpadala sa ospital. Nung napansin siguro na nagbigay eh nagisip ang mokong na ito kung paano pa makakagantso. hayy grabe.

    When a motorcycle hit our car (naka full stop yung kotse namin ha) ganyan den drama sana nung magasawa sa motorsiklo. Okay daw sila at ayaw mag pa check up pera na lang siguro. My mother insisted na magpacheck up sila na kasama sha. She didn't give them any money. You can't trust people to be honest these days. kung may pagkakataong makagantso, mang gagantso talaga.

    Quote Originally Posted by torque2006
    get a lawyer to write you a letter, stating the facts, etc. etc.

    to everyone: when you give money to pay off damages, get them to sign a notarized letter (what was that called again? a quit and something something).

    so when they go back to get "extra" money. send them the letter they signed together with a letter from your lawyer.
    yes to this.

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,343
    #9
    [quote=torque2006;720024]get a lawyer to write you a letter, stating the facts, etc. etc.quote] our insurance agent is referring back to their legal team right now.

  10. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    280
    #10
    Quote Originally Posted by torque2006 View Post
    get a lawyer to write you a letter, stating the facts, etc. etc.

    to everyone: when you give money to pay off damages, get them to sign a notarized letter (what was that called again? a quit and something something).
    it's called a quitclaim. and sana nga may nagawa kayong ganito.

    gumusut, by the fact the tricycle driver has acquired a lawyer, it would seem he intends to escalate his actions. this could get messy.

    by law, i know you're not liable, but if he does file a case, whether criminal or civil, you can just imagine the hassle of having to attend hearings in pangasinan. at this point, i would not recommend ignoring the lawyer and suggest you communicate with them to at least to get an idea of their intentions.

    but it's a good thing you were insured. since ultimately, they will be the ones to pay, they have a legal interest in the matter and they should assist you.

  11. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,343
    #11
    it's called a quitclaim. and sana nga may nagawa kayong ganito.

    wala pa but i'll inform my wife.
    gumusut, by the fact the tricycle driver has acquired a lawyer, it would seem he intends to escalate his actions. this could get messy.
    by law, i know you're not liable, but if he does file a case, whether criminal or civil, you can just imagine the hassle of having to attend hearings in pangasinan. at this point, i would not recommend ignoring the lawyer and suggest you communicate with them to at least to get an idea of their intentions.
    we recognized this fact, kaya nga gusto rin namin maayos w/o involving any 3rd party kaya lang yung 50k na hinihingi niya is inconceivable.
    but it's a good thing you were insured. since ultimately, they will be the ones to pay, they have a legal interest in the matter and they should assist you
    thanks for the compre and TPL... they are helping us to ease our mind for the moment.

  12. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,343
    #12
    Up ko lang ito... please keep your advise coming dahil uuwi ako bago mag-Pasko. Ako na lang siguro ang mag-aasikaso sa kanya pagdating ko. TIA

  13. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    732
    #13
    ang lakas naman ng tama nya, pati ba naman sakit nya sa bato... kelangan nga ma settle agad yan baka mamaya lumala pa sakit nya
    nag take advantage na yan trike driver para magkapera kasi nabangga pero hindi na yun tama

  14. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    894
    #14
    anya nangyari ittoyen manong?

  15. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    188
    #15
    update please...

  16. Join Date
    May 2005
    Posts
    8,077
    #16
    Sir Danny ..ngayon ko lang nakita ito ..
    (grounded ako ng mga time na ito sa NET)

    ano po nag yari ,sana naging maayos naman ang lahat

  17. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,343
    #17
    Tuloy ang case pero hindi na kami ang defendant, yung driver na namin ang hinabla "RIR" daw. Kasi nagtanong-tanong yung matandang kolokoy, sabi sa kanya ng sidecar shop owner na nag-repair... "wala kang makukuha sa may-ari dahil insurance ang makakalaban mo". Yun din ang sabi nung pamangkin ni esmi na lawyer, ang babayaran lang sa kanya ay base sa gastos na may resibo lang. Eh wala naman siyang gastos sa lahat ng repair/change sa tricycle at medical expenses sa sarili niya, puro kami naman lahat ang nagbayad.
    Nagkaroon na ng pre-hearing noong Feb 8, ayon pati Piskal ay nainis at nakulitan dahil gusto pa rin yung 50K na bayad daw sa kanya. Sabi nung driver namin 5k lang ang kaya niyang ibayad pero ayaw tanggapin yung ibinibigay sa kanya, kaya hayun sabi na naman ng Piskal "balik na lang ulit kung may subpoena" na. Hanggang ngayon ay wala pa naman yung subpoena. Yung driver namin ay nakalabas na ng bansa dahil naghihintay na lang siya noon ng tawag. Ewan ko kung anong mangyayari sa kaso dahil wala na yung hinabla nung matanda.
    Sana huwag ng mag-issue ng subpoena yung Piskal para magtanda yung gurang na yon.

  18. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #18
    Wala na kayong problema jan. Wala din naman kwenta ung hinahabol ng matanda. Obviously namemera na lang. Labo din nung piskal, hindi pa sya tinapos agad ung kaso.

  19. Join Date
    May 2006
    Posts
    4,343
    #19
    Quote Originally Posted by kiper View Post
    Wala na kayong problema jan. Wala din naman kwenta ung hinahabol ng matanda. Obviously namemera na lang. Labo din nung piskal, hindi pa sya tinapos agad ung kaso.
    sana nga ser... hanggang ngayon wala pa naman subpoena ulit!

  20. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    728
    #20
    Quote Originally Posted by leolop View Post
    it's called a quitclaim. and sana nga may nagawa kayong ganito.

    gumusut, by the fact the tricycle driver has acquired a lawyer, it would seem he intends to escalate his actions. this could get messy.
    he can't pay the lawyer. i believe they're going to share the profits if ever they win.

Page 1 of 2 12 LastLast
Help... Need Your Advise