Taga dyan din ako sa area na yan, and yan ang dilemma naming mga residents, monster traffic along Ortigas Extn. Galing kasing ng Engineering works dyan sa lugar eh, simulan natin from Ortigas/C5, its about 4 lanes wide tapos papasok ng IPI, okay 4 lanes pa din. Tapos papasok ng Rosario, paglampas ng tulay may 3 lanes pa, tapos konti pa 2 lanes na lang, yung 1 dun pakaliwa pa puntang Santolan/Manggahan Area, so 1 lane na lang papunta Junction.
So andar konti, ayun lumuwag right after ng simbahan naging 4 lanes na ulit (bagong construct yung 2 new lanes kaya lang may poste pa sa gitna....gggrrr!!!)
Sikip na naman reaching Tramo/Shell, back to two lanes. Tapos luwag na naman pag approach ng Manggahan Floodway, making it 4 lanes. Ayan, pagbaba balik na naman sa 2 lanes tuloy tuloy na yan hanggang Ever, tapos concrete barriers pa yung divider sa kalsada kaya lahat ng pupunta sa kabilang side must use U-turn.
yung pabalik ng Ortigas from Junction, reverse lang ng sinabi ko pero ganon din mas masahol.
Ang gagaling talaga....