Caltex Station on Edsa corner Santolan (Boni Serrano)

Magpapakarga sana ako dun nung thursday. Pag patay ko ng makina, lapit yung gasoline boy. Bukas ako ng pinto at sinabi sa kanya sa maayos na tono ng boses "Silver, P1000". Ang sagot ba naman sa akin ay "Haah?". Kita mo sa mukha niya ang pagka mayabang at pagkainis. Siyempre medyo nag-init ulo ko at medyo tinaasan ko yung boses ko sa pag-ulit ng sinabi ko. Pinaatras ako sa sunod na pump dahil wala naman palang laman (baka sira) yung pinaradahan ko. Wala namang sign na nakalagay na di available yung pump na yon! Di sana pala sinabi na niya kaagad na di pala puwede dun. Inantay pa niyang sabihin yung order ko Hay naku! Anyway, sa inis ko umalis na lang ako at di nagpagas dun. Iniwan ko na lang si mokong dun sa may pump na naghihintay

Anyway, marami na akong na-encounter na nakakainis na gasoline boy. Yung mga tipong ineexpect nilang kausapin ka from the other side of the car (thru passenger's side window). Kakainis yun di ba lalo na kapag sira na lahat ng power windows mo