New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 15
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    350
    #1
    Kanina galing ako ng espana from ust driving our L300 van nagright turn ako sa side street after P.Noval. Wala akong kasunod na kotse pero marami pasalubong, malapit na ako sa dulo when an owner heading towards me biglang harang shouting one way ka, itabi mo! Pagtingin ko 2 police naka-uniform, yung isa bumaba and nilapitan ako and:

    Police - license mo pare, one way ka ah

    Me - smiling while telling him di naman ho ito one way eh, araw
    araw ako dito dumadaan

    Police - one way ito lisensya mo, san ba ang punta mo

    Me - diyan lang sa mayhaligue, I looked at my rear view mirror and there was still no car following me, I again told him hindi ito one way, kayo talaga oh iba nalang pagtripan nyo then showed him my license and since pulis maynila also showed him my mayor's i.d.

    Police - ah sa mayhaligue ba ang punta mo, di naman kita talaga huhulihin eh (ano ito joke joke lang), sa mayhaligue lang rin kasi ako nakatira. Saka hindi ba ito one way? san ba yung one way... ah yung kabilang kalsada yata noh? Sige ho ah.

    Anak ng .... imposibleng hindi niya alam na 2 way iyon noh! Eh kung napadaan lang na driver at hindi madalas sa lugar na iyon jackpot kotong na sila. Hanep talaga pag pasko kanya kanyang diskarte na mga pulis.
    Paano ba tayo dito sa Pinas, pag ordinary car dala mo lakas ng loob ng mga kotong cops, pag SUV naman dala mo kahit beating red light di ka papansinin, pero patay ka naman sa kidnappers.
    Buti pa mag kalesa or owner nalang tayong lahat.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Ito ba yung sa kanto ay may terminal ng bus? Two way dapat iyan. Dumadaan din ako diyan parati. Ano iyan panibagong raket na naman?

    Dati naman nag U-turn ako sa may A.H. Lacson (formerly Forbes) yung malapit sa Lacson gate ng UST. Aba, hinuhuli ako ng no-U turn. Araw araw naman ako nadaan dun. Sinagi ko ng Besta yung humuhuli sakin. Nakakaasar, eh. Tapos huminto ako sa ginta ng Lacson, inantay ko kung hahabol, wala naman ginawa. Pina-high blood lang ako.

    Kanina may dalawang nagtatago sa ilalim ng puno sa kanto ng P. Florentino at Dos Castillas. Ewan ko kung ano inaabangan ng dalawang iyon (siguro nag-aantay ma-iputan ng ibong adarna). Trak naman ata ang niraraket ng mga ito.

    Badtrip nga kapag ordinary car lang ang gamit mo. Paborito ako ng pulis kapag van ang dala ko. Lalo na't walang tint sa harap. Kaya minsan iniiwan ko na lang naka-high beam yung Pajero habang nagmamaneho ako para iwas kotong cop.

    Buti na lang nakalusot ka ser. hehehehe.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,614
    #3
    iba talaga pag naka PAJEROW! :D

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    787
    #4
    tsk tsk tsk... X-mas time is racket time...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    350
    #5
    yun nga otep, pag dating ko doon sa may dulo na before turning right hinarang ako ng owner. L300 van na walang tint harap ang dala ko. Hayup talaga mga ito, buti nalang madalas ako doon dumadaan at alam ko 2 way doon. Grabe talaga dito, magdrive ka ng L300 na bulok at least feeling safe ka sa holdup , anak ng lintik babanatan ka naman ng mga buwayang police.
    Natawa nalang nga ako nung tanungin pa ako nung huli, kung saan daw ba yung 1 way, sa kabilang street ba?

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    941
    #6
    Yup, that is definitely a two-way street. I pass there frequently.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,084
    #7
    Dapat nung tinanong ka kung saan ang 2-way sinagot mo "Kala ko ba sa Mayhaligue ka rin nakatira? You should know your place you dumb nut!" Tapos siya naman hingan mo ng ID or Chapa niya!!! Ginagalit mo si Mayor eh.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #8
    Sinulsulan naman ng mabait na pinsan... :evillaugh :eviltongu

  9. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    4,085
    #9
    dapat ung mga ganung pulis eh shoot to kill.

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    210
    #10
    dapat 5 lashes every friday for 5 weeks sa mga Kotong Foolish na mga yan....

    Anak ng kwago talaga oo, Yeap Pasko na naman so kanya-kanyang racket na naman.

Page 1 of 2 12 LastLast
Garapal na Kotong