Good day Tsikoteers,

Na-involve yung driver namin 2 weeks ago in a vehicular accident along C-5 wherein yung minamaneho niyang sasakyan eh sinubukang talunan ng tumatawid na lasing na pedestrian (with confirmation from both medical staff at yung pedestrian na mismo - yung part na lasing AT yung part na gusto niya nga raw sanang talunan yung sasakyan ). Ang sabi sa amin ng driver eh iniwasan naman niya sa lahat ng magagawa niya, pero sa ilang lihis daw niya ng sasakyan eh doon din daw nagpunta itong pedestrian. Long-story short, tumama sa gilid ng sasakyan yung tao, dinala sa hospital ng ambulansya, at ginamot.

Nagkasundo naman at nagkapirmahan ng waiver specifying na through amicable settlement nauwi. After ma-clear for discharge yung pedestrian at masagot yung lahat ng gastos sa ospital, gamot at home medicines, pati yung hininging amount nung pedestrian, pumunta na yung tao namin sa police station sa may Caltex FTI malapit sa TUP para tubusin yung lisensya niya. Pagkakita raw ng pulis sa waiver, ok naman daw na, sabay kumabig at sinabi na may violation daw siya. Pinaturo sa bata niya yung violation at yun nga ang nakalagay: "Violation of Procedures Involving Traffic Accidents" at ang fine is P 2,000. Nung tinanong niya kung anong "procedure" ang na-violate niya sa accident, ito raw ang eksaktong sagot: "Eh di nakabangga po kayo ng tao." Note na hindi tinakbuhan ng driver yung pedestrian, at buong araw nga hanggang ma-discharge sinamahan talaga niya.

Hindi dapat sasagutin ng kumpanya yung P 2,000 na 'to, pero after verifying and double-checking na talagang siningil nga siya ng P 2,000 sa police station, ni-reimburse naman. Ang tanong nga lang namin though, given yung sagot ng taga-station sa kung anong "procedure" ang na-violate, valid nga bang violation 'to, o isa na naman sa napakaraming racket na lumalaganap ngayon?