Nakakainis yung ganito. Magpapark sa tapat ng driveway mo tapos hindi man lang babantayan yung sasakyan nya.
Nangyari sa akin to nung Saturday night, just got home from a night out. Dalawang AUV nakapark sa tapat ng bahay namin. Ginawa ko is tinanong ko yung nagrerent ng bahay sa tapat namin. Sabi nila hindi daw sa kanila. Pinagtanong ko na din sa mga bahay na malapit sa area, di rin daw sa kanila. So ginawa ko is sinabi ko na sa dad ko yung situation. He is the Treasurer of our barangay so madali namin natawagan yung mga tanod.
Yun pala bisita yun ng anak ng may-ari ng bahay sa tapat namin. Pinapa-rent lang nila yung bahay sa tapat, tapos yung bahay nila is two blocks away. Nakipark lang sila dun, then iniwan nila yung sasakyan nila sa tapat at nagparty na sa kabilang kalye.
Ginawa na lang ng mga tanod is kinuha yung mga pangalan nung drivers saka yung plate numbers nila para maipa-blotter.