
Originally Posted by
zap.FREEDOM
^agree on that, before you want to buy something, invest it first on business para umiikot yung pera, just what a financial expert said dun sa seminar na napuntahan ko noon, "you want to buy a brandnew car worth 800k, and you have this 800k on hand? what would you do? ibibili mo ba?" some of us sumagot oo ibibili ko na kasi may discount pag-cash, then as our discussion goes on pinaliwanag niya na, tiisin mo muna na wala kang kotse, invest it first on business, at yung perang papasok sa business yun na lang daw ang gamitin pambili well sabi niya wala namang masama sa financing may income ka na naman from you business e, now you can have that brandnew car" may kotse ka na business ka pa at tuloy-tuloy ang pasok ng pera.
ang hirap kasi sa ilan natin kababayan, kapag tinanong mo na halimbawa "manalo ka ng isang milyon ano gagawin mo?" meron sasagot na "bibili ako ng kotse" ,"bibili ako ng bahay", "bibili ako ng ganito" wala man lang nakaisip na sumagot na "iinvest ko sa negosyo" nakakalungkot isiipin pero hindi talaga business oriented ang ilang nating kababayan.
at hanga din ako sa boss uncle ko noon, who owns construction firm, My uncle asked his boss bakit ayaw pa daw niyang magpalit ng sasakyan like Fort or Monty(since 2001 1.8 Toyota REVO ang gamit niya) e kaya-kaya niya naman daw niya makabili dahil million peso contract ang mga nakukuha ng boss niya, well, bumili nga ng bago pero hyundai getz lang, then my uncle asked his boss again "sir, bakit city car lang binili niyo? you can afford naman a SUV a?" at ang sagot pa sa kanya "anong gagawin ko sa mga SUV na ganon?Ang laki-laki noon, kaming dalawa lang naman ng misis ko ang sasakay saka ok pa naman yung revo ko e" napaka-weird talaga ng tao yon, ewan ko ba kuripot lang siguro talaga.