I tried to buy a lot from Mrs. X. The lot was clean, no annotations sa likod ng title, so kampante ako. Ang usapan namin, kaliwaan - Deed of Sale bigay nya, bibigay ko downpayment ko. Done. Next stage - full payment kami upon surrender of Title to us. Aba at ayaw na ituloy ang deal tapos nalaman namin na na-ideal na pala nya sa iba.

Hiningi namin downpayment namin na ibalik, aba e ayaw.

Ni reklamo ko sa baranggay, di umareglo, sila pa may gana na i-elevate daw sa court.

Kinasuhan namin ng criminal case - estafa. Ang problema - dismissed sa Fiscal pa lang. Di ba malinaw na estafa ang ganun? Mukhang na-"settle" kami na hindi namin alam

We filed a Civil case to collect the money. Grabe, kailangan pa hearing bago pumayag na bayaran kami at hulugan pa for 2 years without interest
anyway, pumayag na kami kesa wala. Ang order ng court sa kanila ay bayaran kami ng post dated check. Umokey naman sila. Eto na, first few checks okay pa. pagkatapos tumalbog na yung iba. Hanggang ngayon di pa naibabalik lahat ang pinagpawisan ko.

It's been almost a decade ng ako e naisahan ng isang balasubas. Masakit pa rin na ang pinaghirapan mo ay nakawin lang. May maisu-suggest ba kayo mga igan?