Quote Originally Posted by glenn_duke View Post
Kaiangan talaga ng new law specific sa mga kamote.

Yung provision sa New Civil code Art 2185 and the likes ay hindi para sa mga pulis or traffic investigators to interpret and draw conclusion , para yan sa mga fiscal and judges.

Kaya kung ganyan may aksidente at preliminary imvestigation points to the likely culprit (kung buhay pa) dapat yun ang idetain at pakawalan nayung least probable guilty.

Ang nagyayari ngayon, gusto ng mga pulis na hindi na umabot sa fiscal yung kaso, kaya pati areglohan pinakikiilaman nila kahit walang klaro resulta yung imbestigasyon nila kung sino talaga ang may mali.

Anong klaseng sistema yan na klaro ng sino ang may mali yung naagrabyado pa ang nakulong ng sobra sobra sa prescribed ng batas.
Kaiangan pang hintayin yung abiso ng pamilya ng kamote kung papa areglo sila.

Kaya kailangan ng batas para may guide o protocol na dapat sundin ang mga pulis sama na mga fiscal sa mga aksidente.

Sa kaso nung sa skyway , dapat pati yang management ng kyway kasuhan, nagbayad ka ng toll tapos compromise safety mo dahil sa kapalpakan nila.
Dyan maganda kumunsolta or kumuha na ng lawyer. Mas mabilis kasi at hindi na tatagal detention ng nabangga.

Again nangyari na sa akin yan at gumawa lang ako police report at hindi ako nadetain or kinasuhan. Lalo na may video evidence. Baka nagtipid lang yang si manong driver kaya hindi pa kumuha ng abogado.

Pero I agree na maganda meron na batas na mas malinaw protocol na dapat ayusin muna investigation bago sabihin kung kakasuhan or hindi at kung may ganyan nga na convincing evidence of negligence eh yung bumangga dapat magpatunay na walang kasalanan ang nabangga.

In the end, kahit may bago pang batas, kung TAMAD and imbestigador, areglo lang ang iisipin niya para walang trabaho at paperworks sa kanila.