Sir mods, pakilipat na lang po if this is not right forum.
This happened last Sunday along Ortigas in fronting Robinson's Galleria
Naka stop na ako pati yung dalawang sasakyan sa harapan ko ng matagal dahil may tumatawid na pedestrian. Nakita ko pa sa rear view mirror ko yung padating na van - derecho salpok. Rason ng driver eh nawalan ng preno.
Puno ng Audio Equipment yung van kaya siguro sa bigat eh hindi kinaya yung preno.
Base sa police report, yung van ang nag cause ng damage sa vehicles.
Inako naman nung may ari (sa Cellphone) na sagutin yung paayos. Kaya maayos naman usapan namin nung Sunday. May pinapunta pa siya na latero para assess situation at ang sabi ay palit halos lahat ng nasira. Sa akin OK lang kahit surplus basta mabalik sa dati. Na-tow yung MPV at dinala sa Ziebart for repair estimate.
Dahil alam ko na rin naman ang damage eh nag-canvass na ko sa suking surplus store sa Banawe nung Monday. na-email ko rin dun sa naka bangga pati yung repair estimate ng Ziebart.
Magka canvass pa rin daw siya sa Banawe. Eto po ang problema ko. Last Wednesday follow up ako eh Busy raw siya sa business nila at on-going pa canvass. Kahapon tinawagan ko at text pero wala na reply. Today ay tauhan niya kausap ko sa cellphone niya at busy raw boss niya. Tawagan daw ako after 5 minutes. Pero di tumawag kaya after 30 minutes, tinawagan ko yun cellphone - cannot be reached na.
Yung MPV ay hindi pa rin nagagalaw. Hanggang kailan kaya ako maghihintay? Laking perwisyo kasi ito lang ang ride ko. BTW, TPL po ang insurance nito pati dun sa nakabangga
Any advise on how to proceed?





Reply With Quote

