New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 17 of 17
  1. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    849
    #1
    Meron kasing mga squatter sa likod bahay namin...abandoned na lote kasi yun na may dilapidated na bahay. May garahe yun at ayos na ang gate. Alam kong squatter yun kasi madalas silang putulan ng kuryente dahil sa illegal na koneksyon. Siguro mga limang pamilya yung nandun. About four days ago may pinark silang BLACK NISAN SENTRA. I don't know what model pero basta yung may sunroof. 5 days nang nakapark, hindi ginagalaw. May hinala ako na baka carnap yun! dahil since July last year, ngayon lang may nakapark na kotse dun. Ano ba pinakamagandang gawin?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    ^^ check mo yung plate number sa TMG.

  3. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    1,985
    #3
    Write the plate number down with the description and check with TMG if they have a car matching that has been reported stolen. If they changed the plates then it will not match the description you have.

  4. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    849
    #4
    Problem is I can only view the car from our second floor window (hood lang tsaka sunroof ang kita). There's no way masilip ko yung plate unless atras nila ng kaunti. Malakas talaga hinala ko na carnap yun.

  5. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #5
    bad yan sir, masama ang maghinala ng masama sa kapwa. unless proven po...:twak:

  6. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,773
    #6
    Quote Originally Posted by puroy View Post
    bad yan sir, masama ang maghinala ng masama sa kapwa. unless proven po...:twak:
    hmm medyo mapagmata nga ang dating. pero masama rin siguro kung may hinala ka at pabayaan mo lang mangyari. silently check or investigate na lang as others said pero wag muna sumbong para walang gulo. kung negative lumabas, e di ok. kung hindi, tsaka palang isumbong sa tmg.

    pero malay nga, katiwalang driver pala yun tapos pinabilin lang ng mayari na nag abroad para mabantayan kasi walang tao sa bahay.

  7. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    849
    #7
    Oo nga yan din naisip ko mahirap din naman manghusga. Pero may mga naganap na din kasing nakawan dito samin. Isa din kami sa mga nabiktima at ang sabi ng imbestigador meron daw talaga silang minamanmanan sa mga squatter samay likod bahay namin. Blocked talaga yung view ng plate e. hehe. Bukod don, parang nakahalf-fold pa nga yung plate.

  8. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #8
    Itawag mo sa 117, at sabihin mong kahina-hinala yung kotse, kasi matagal ng nakaparada lang. Anyway, kung na-check na ng pulis at hindi naman carnap, eh di no harm done. You can opt to remain anonymous when you call.

  9. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,976
    #9
    Tama report na lang sa TMG at request them na silipin. Bahala na sila. kawawa namam real owner if ever carnapped nga....pero sa isang banda lalo namang bababa pagkatao ng sinasabing mga squatter in case di naman nakaw ang nasabing sasakyan.

  10. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    19,003
    #10
    hirap nga naman iyan as a responsible & sensitive citizen. kung tama hinala mo, masarap ang feeling, pero kung mali, nakaka-konsyensya kasi nga sasabihin ng iba na mapanghusga ka. oh well, it's another one of those damned if you do, damned if you don't predicaments

  11. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    814
    #11
    check mo nalang sa TMG kung may reported carnapped black Nissan Sentra. kung meron, daan ka sa gate nila, tapos silip ng konti. yung mga tipong tanghaling tapat para malakas yung araw, baka sakaling pumasok yung liwanag sa garahe kahit nakatakip. baka masilayan mo yung model, or mas maganda yung plate number mismo. tapos check ulit sa TMG. para kang naging citizen patrol

  12. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    171
    #12
    maganda picturan mo... baka tyempong carnap nga yan.

  13. Join Date
    May 2006
    Posts
    3,722
    #13
    Pwede mo rin ipa-imbestigador!





    .

  14. Join Date
    May 2006
    Posts
    913
    #14
    You can now verify car plate numbers via SMS/Text Messaging!

    Just text LTO VEHICLE plus the plate number of the vehicle (eg. LTO VEHICLE XYZ123) send to 2600

    It replies with the plate number/make/model/year/ color and last date of registration…
    It also informs you if the car has LTO apprehensions or LTO alarms.

    Php2.50 per text message

  15. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    460
    #15
    Di po reliable yang text service na yan ng LTO. It will even give you a false sense of security pag nag depend ka sa info diyan.

    to the TS, abangan mo na lang muna kung me gagawin sila sa kotse. Kasi kung naka park at di naman ginagalaw, baka hindi carnap. Kasi kung carnap yan within 24 hours chop chop na kagad ang ginagawa tinatapon na kagad ang engine block and firewall.

  16. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    1,214
    #16
    Quote Originally Posted by Galactus View Post
    Itawag mo sa 117, at sabihin mong kahina-hinala yung kotse, kasi matagal ng nakaparada lang. Anyway, kung na-check na ng pulis at hindi naman carnap, eh di no harm done. You can opt to remain anonymous when you call.
    agree, paubaya mo na lang sa kanila yan kung talagang naghihinala ka. pero kung makakagawa ka ng paraan na masilip ang plate no. ng sasakyan mas maigi para ma check mo din sa kanila.

  17. Join Date
    Oct 2005
    Posts
    5,465
    #17
    i second on using the LTO, kahit hindi sya accurate, atleast magkakaroon ka ng hint. My friend's Crosswind (XFY 291) Carnapped mid 2007, I think, pag ginamit mo yung LTO would say it was last registered January 2007, hindi na na-update. Yung Tucson ni sir clavel, ganun din. di na na-update ang registration. try mo lang, pag di updated try mo i-timbre sa TMG. lalo na kung OK pa yung Sentra (Exalta STA siguro yun kase may sunroof), wawa naman yung may-ari ng oto if indeed carnap yun.

Carnap?