parang nakakita ako ng plate kanina, UO eh, pero yung letters parang mas dark at mas makapal, nagbago ba?
parang nakakita ako ng plate kanina, UO eh, pero yung letters parang mas dark at mas makapal, nagbago ba?
^ tama ka sir, mas darker at makapal yung letterskakulay niya yung mga special plate hehe
yung gilid ng letters dark, yung kulay tska yung gilid mismo ng plaka darkgreen na din
guys... nagparenew kami jan 2013.. hindi kami nabigyan lto ng sticker.. balikan nalang daw...
pero truck namin kinokotongan....
may maprprint ba ako or anything na may problema sa lto para mapakita nila?
im sure alam yun ng mga kotongcops na may problema lto ngayon.. pero nanghuhuli parin sila..
Narinig ko 'to sa radyo kay Ted Failon kaninang umaga. Baka pwede mo i-print 'yung website story at ipabasa sa kanila. Walang rason para di nila maintindihan dahil Tagalog na 'yan. Pero ang solusyon lang talaga sa kotong ay huwag magpakotong/maglagay.
Suplay ng stickers, nai-deliver na lahat sa DOTC
By Bianca Antalan, dzmm.com.ph | 10:53 AM 02/05/2013
Kinumpirma ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na fully delivered na ang mga naantalang stickers para sa mga rehistradong sasakyan.
Sa panayam ng DZMM, sinabi ni DOTC Secretary Joseph Emilio "Jun" Abaya na naabisuhan na siya ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Virginia Torres kaugnay ng pagdating ng mga stickers sa Central Office.
Inaasikaso na lang anya nila ngayon ang pamamahagi ng stickers sa district level na posibleng abutin ng dalawang linggo.
"Dun sa stickers, [sinabi] ni Asec. Virginia na fully delivered na sa Central Office ang ano diyan ay kung paano ibababa from the region to district. Ang tanong ko dun sa executive director, two weeks maximum para maibaba ang stickers to the district level, 'yun ang banggit sakin ng executive director at ni Asec. Virginia na fully delivered na po 'yung stickers natin."
Aminado si Abaya na naantala ang procurement sa stickers. Gayunman, hindi pa masabi ng kalihim kung sino ang nagkaroon ng pagkukulang sa bidding nito.
Wag kayo mawalan ng pag-asa.. Plate ko 10 months bago ko nakuha, kung sinabayan ko ng paggawa ng baby, nauna pa manganak si esmi bago dumating plaka..
Mas darker nga sya pero napakanipis.. mabilis matutuklap for sure... yung gilid gilid nya pag nagtagal aangat panigurado. :headache:
kahit naman meron ka plate number kung kokotongan ka, kahit asa gitna ka pa ng hi-way paparahin ka.
pansin ko nga rin yung newer plates ang kapal ng letters and darker.. akala ko japeyks kasi parang cartoonish yung dating. Marami akong nakita nito sa Silang on the way to Tagaytay.
Yung akin UIE okay pa. 2 months after car purchase ko nakuha.
Uy, sana umabot ako sa ganyang configuration ng plate number (which is hindi malabo mangyari sa kupad ng release ng plaka, hehehe).
Just got our plates this week may kasama nang sticker. USI na yung series. Aug 2012 pa nakuha yung sasakyan so that's more than 5 months of waiting.
Just got my plate after 7 months UOH 1**. Kaso walang stickers.
Alin ang mas sitahin, dealer plate or regular plate without stickers?
Kung nakalagay sa OR na NO STICKER ISSUED, mas ok ilagay yung plate.
Kung malinis naman lagi yung car, ok lang na no plate muna.
By the way, saw a UOW-series sa new car. Yung quality ng paint sa letters/numbers, mas dark pagka-green and parang mas makapal at rough edging, medyo di sya smooth edges as previous plates. Ganun din yung outline. Parang low quality print.
Malapit nang mag UQ-series. Then W-series na!![]()
Sir, question po nakabili ako last year ( november ) ng pick up. Ano na kaya starting letter ng plate number this month/year?tia
FYI available na car sticker sa LTO san jan. nakuha ko na kanina. di ko lang alam kung meron na din sa suking LTO nyo. Advise lang nun taga LTO baka daw makaubusan na naman kaya ff up nyo na stickers nyo
dont know kung OT ako, bakit yung mga plates na ending ng 1, wala pang sticker ng 2013? kailan mag start ang registration?