Nagpunta ko ng Caloocan para magsimba. Iniwan ko yung Pajero sa bahay and yung Picanto ang ginamit ko. Maliit lang ang parking ng simbahan doon. Kaya talagang nagiging double parking kapag may misa. I would assume na ok lang mag-double park since sabay-sabay din naman aalis ang mga tao after the mass.
Pagating ko, puno na ang parking. May Hilux belonging to one of the wealthier members of the community (may sanglaan saka fastfood among other businesses) na pumasok sa gate ng simbahan. Pero hanggang doon na lang siya kasi puno na nga ang parking lot. Since he is blocking all the cars na din, I just park behind the Hilux.
Aba akalain mo ba namang nagreklamo yung driver/alalay (na ayon sa chismax eh distant relative daw nung amo pero hindi ko din alam) sa guard! Bakit daw ako nagpapark sa likod ng Hilux nila, paano daw sila lalabas. Eh t*nga pala siya, yung sampung kotse sa loob ng simbahan hindi na nga makakalabas dahil nakaharang siya sa gate tapos kapag siya naharangan, magagalit siya. Yung amo naman, wala lang kibo. Siguro ayaw din niya nakapark yung Kia sa likod ng Toyota niya.
Lumapit sakin yung guard, pinapaalis ako. Sabi ko bakit ako pinapaalis. Hindi daw kasi makakalabas yung Hilux. Bakit, hindi ba nila tatapusin ang misa? Sabi ng guard, hindi daw. Sabi ko, nasa harap lang naman ako ng Hilux nakatayo (ganun kaliit yung simbahan) maririnig ko iyan kapag umandar. In short, walang nagawa yung guard. Yung 'entourage' naman nitong naka-Hilux (may alalay/alipores pang kasama) ang sama ng tingin sa akin, parang may nagawa akong napakalaking kasalanan sa kanila.
Nung nagmimisa na, may sutsot ng sutsot ng malakas. Para bang yung tunog kapag nagpapalabas ka ng hangin sa gulong. Pagtiningin ko, yung amo pala tinatawag ang mga alila niya. Sabi ni commander kaya pala bastos yung mga alalay eh kulang din sa magandang asal yung amo.![]()
Pagdating dun sa pagbasa ng special intentions at mass offerings (or the 'greetings' portion as I call it), puro galing dun sa may ari ng Hilux halos lahat ng special intentions/mass offering. hahaha. Natawa na lang ako. Ang laki siguro ng donation nitong kolokoy na 'to sa simbahan.
After the mass, nagmamadali silang sumakay sa Hilux (para nga naman mukhang pinaghintay ko sila dahil naka-harang ako sa likod nila). Pero hindi naman nila ko pwedeng unahan kasi NAKA WHEELCHAIR ANG BOSS NILA! (nabaril matapos makipag away kaya paralyzed from the waist down). Kahit paluhod akong maglakad pabalik sa Picanto mauunahan ko pa din sila. Hay diyos ko. Panay pa ang parinig nung isang kasama, 'Paano tayo lalabas nito!' eh ni hindi pa nga sila nakasakay lahat.
Bago ko pumasok sa Picanto, nagparinig na lang din ako: "Yang mga [insert family name here], bastos talaga yan, eh."
Gulat si mokong akala niya hindi ko sila kilala. hehehe.





Reply With Quote

Buti na lang hindi ako ang sumagot ng doorbell.
