New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 58
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #1
    Nagpunta ko ng Caloocan para magsimba. Iniwan ko yung Pajero sa bahay and yung Picanto ang ginamit ko. Maliit lang ang parking ng simbahan doon. Kaya talagang nagiging double parking kapag may misa. I would assume na ok lang mag-double park since sabay-sabay din naman aalis ang mga tao after the mass.

    Pagating ko, puno na ang parking. May Hilux belonging to one of the wealthier members of the community (may sanglaan saka fastfood among other businesses) na pumasok sa gate ng simbahan. Pero hanggang doon na lang siya kasi puno na nga ang parking lot. Since he is blocking all the cars na din, I just park behind the Hilux.

    Aba akalain mo ba namang nagreklamo yung driver/alalay (na ayon sa chismax eh distant relative daw nung amo pero hindi ko din alam) sa guard! Bakit daw ako nagpapark sa likod ng Hilux nila, paano daw sila lalabas. Eh t*nga pala siya, yung sampung kotse sa loob ng simbahan hindi na nga makakalabas dahil nakaharang siya sa gate tapos kapag siya naharangan, magagalit siya. Yung amo naman, wala lang kibo. Siguro ayaw din niya nakapark yung Kia sa likod ng Toyota niya.

    Lumapit sakin yung guard, pinapaalis ako. Sabi ko bakit ako pinapaalis. Hindi daw kasi makakalabas yung Hilux. Bakit, hindi ba nila tatapusin ang misa? Sabi ng guard, hindi daw. Sabi ko, nasa harap lang naman ako ng Hilux nakatayo (ganun kaliit yung simbahan) maririnig ko iyan kapag umandar. In short, walang nagawa yung guard. Yung 'entourage' naman nitong naka-Hilux (may alalay/alipores pang kasama) ang sama ng tingin sa akin, parang may nagawa akong napakalaking kasalanan sa kanila.

    Nung nagmimisa na, may sutsot ng sutsot ng malakas. Para bang yung tunog kapag nagpapalabas ka ng hangin sa gulong. Pagtiningin ko, yung amo pala tinatawag ang mga alila niya. Sabi ni commander kaya pala bastos yung mga alalay eh kulang din sa magandang asal yung amo.

    Pagdating dun sa pagbasa ng special intentions at mass offerings (or the 'greetings' portion as I call it), puro galing dun sa may ari ng Hilux halos lahat ng special intentions/mass offering. hahaha. Natawa na lang ako. Ang laki siguro ng donation nitong kolokoy na 'to sa simbahan.

    After the mass, nagmamadali silang sumakay sa Hilux (para nga naman mukhang pinaghintay ko sila dahil naka-harang ako sa likod nila). Pero hindi naman nila ko pwedeng unahan kasi NAKA WHEELCHAIR ANG BOSS NILA! (nabaril matapos makipag away kaya paralyzed from the waist down). Kahit paluhod akong maglakad pabalik sa Picanto mauunahan ko pa din sila. Hay diyos ko. Panay pa ang parinig nung isang kasama, 'Paano tayo lalabas nito!' eh ni hindi pa nga sila nakasakay lahat.

    Bago ko pumasok sa Picanto, nagparinig na lang din ako: "Yang mga [insert family name here], bastos talaga yan, eh."

    Gulat si mokong akala niya hindi ko sila kilala. hehehe.
    Last edited by OTEP; November 18th, 2006 at 11:46 PM.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  2. Join Date
    Jul 2005
    Posts
    280
    #2
    nice one otep. ibang tao talaga di kayang makisama.

  3. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,601
    #3
    ...natatawa ako hihihihi...

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    3,722
    #4
    So para sa pamilyang yan, porket major donor sila sa simbahan at naka Hilux na eh sila na may-ari ng parking lot dun. Kaya naman pala nabaril bossing nila eh, baka nakakita siya ng katapat niya in another parking lot!

    Siguro kung naka BMW ka baka magdalawang isip pa yung mokong na yon na pa alisin ka. Hindi naman pala tatapusin ang misa eh, nagsimba pa sila!

    Haay naku!

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    19,838
    #5
    baka gusto lang marinig yung pangalan nya dun sa greetings portion tapos alis na

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #6
    Tinapos nila yung misa. Nagpapalusot lang na hindi tatapusin dahil ayaw nilang may nakapark sa likod nila. Loko talaga.
    Last edited by OTEP; November 18th, 2006 at 01:00 PM.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,285
    #7
    OT....

    asan na kay yung YANO??

    natatawa rin ako....HIHIHIHI!!!!

  8. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,808
    #8
    Very apt Thread Title, sir otep...

    actually, di ko magawang tumawa as the song says, kasi kakainit ng ulo. Meron talagang ganyang klaseng tao (tao nga ba?)

  9. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #9
    He he he. Lam nyo mga kapatid, laking simbahan ako (sakristan ako dati - oo Niwde11, sakristan. :lol. Anyway, maraming manong at manang (ang mga tawag ko sa mga taong madalas magbabad sa simbahan at sa mga mahilig pumapel) na kung umasta eh parang sila na ang may ari nung simbahan at ng mga adjacent areas. Marami sa kanila eh parang santo kung mag-dasal at mag-preach, pero masama pa ang asal kaysa ibang pulubi. In fact, baka mas makatao pa mang pulubi sa kanila. Most of the time, akala ng mga ganyan klase eh ang pag-punta sa church na pinapaalam mo sa lahat, contributing to the church na gusto eh makita yung name na naka-post sa bulletin board at gumagawa ng civic wirk na bino-broadcast mo sa lahat eh essence ng pagiging makatao at Kristiyano.

    I don't wanna judge pero marami na akong nakitang ganito - at na experience na rin. That's why I quit whatver church association that I had belonged to in the past becuase the hypocrisy of many of the members (PERO HINDE LAHAT) made me sick and to the point na I got sarcastic na towards religious orgs.

    It's sad na marami sa Churches sa 'Pinas eh may mga ganyang tao na nakapaligid -tingin nila eh they are above the rest kase nagbibigay sila ng pera sa simbahan tas nakadikit sila lagi sa parish priest. I know - hinde naman lahat ng mga taga simbahan (yung mga taong nagbibigay service sa church) eh ganito pero it is unfortunate na may mga naka-hanayn sa kanila na for their own glory ang hanap. If you look at the history of the Catholic church, maraming taong ganito in then churche's rich history - and most of them changed the course that the Catholic church took.

    Anyways. Boss Otep - ipagdasal mo na lang sila para maliwanagan ang utak nila at ang mga kalooban nila.

  10. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    38,798
    #10
    Buti na lang hindi iyan miyembro ng Lay Ministry... O mali ako?
    Bro., Sis.

    :starwars:

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Banal na aso, santong kabayo...