Results 1 to 10 of 120
Threaded View
-
December 9th, 2018 07:43 PM #11
Marami rami na ko pinagawan na talyer, pinasahan kasi ako ng Ford Ranger '08 na-ondoy, so lahat na ng sira na maimagine niyo nadaanan ko na tapos kung saan-saang talyer na ko dumaan.
1. James Car Aircon
Felix Ave, Cainta, Rizal (Malapit sa Village East)
Issue: Sira na yung clutch ng AC Compressor ko, so walang lamig yung aircon.
Palpak ng shop na to: Sinuggest ako nung James mismo na palitan yung Clutch Assembly, P6,500. Bagito pa ko noong time na yun, edi inisip ko matagal naman na yung shop nila so inisip ko baka magaling naman. Nung pinalitan nagkaroon ng lamig AC ko nung gabi na yon. The next day ayaw nanaman lumamig. Sabi sakin Sira na daw compressor ko, palit na daw compressor. Pinapalitan nalang namin ng surplus na compressor, pero hindi galing sa kanila. Sinayang lang pera ko nung talyer na to, sarap hagisan ng granada.
2. Motech Cainta
Felix Ave, near Vista verde
- Mahilig mag-suggest nang kung ano anong papalitan sa pang-ilalim, tulad ng bushing ganito, tie-rod ganyan, rack-end doon. Kung wala kang alam (tulad ko nung time na iyon) mapapa-oo ka nalang. Pero ngayon nag-tatanong na ko sa suki ko na mekaniko sa ibang gas station, hindi naman totoo na kailangan palitan yung pang-ilalim. Kwentong barbero lang talaga.
- Mataas patong ng pyesa na i-susuggest sayo. Replacement Rack end + Tie rod end for Fortuner aabutin ka 14k. Eh sa Toyorama aabutin ka lang ng 8000 for 555 replacement for both.
Ugaliing magtanong at magpafree quote sa maraming talyer tapos kung segurista ka ipacheck mo na din sa Casa (usually may diagnostic fee na waived kapag doon mo pinagawa). Okay naman na sakin ganitong proseso.
The Yokohama BluEarths notoriously break down as you use them. I guess something in their...
Finding the Best Tire for You