I saw this news item in 24 Oras, about this "Kambal na Pajero". Di pa mabubuking kung di nagreklamo yung isang owner ng Paj. Yung unit niya, naka-rehistro na! He-he! Here's the editorial write-up (about the incident) in one of the daily tabloids.
============================================
Paano Nangyari ito? Kambal na Pajero?
Malaking palaisipan sa mga awtoridad ang ‘kambal na Pajero’. Ito ‘yung dalawang sasakyang mayroong parehong plaka, engine serial number at chassis number. Nabuking ito matapos magreklamo ang may-ari ng isa sa dalawang Pajero. Ipinaparehistro n’ya raw ang sasakyan n’ya at nagulat siya na sa rekord ng Land Transportation Office (LTO) ay rehistrado na ito.![]()
Ang pinag-iba lang ng ‘kambal na Pajero’: KULAY.
Isa lang ang ibig sabihin nito. Isa sa dalawang sasakyan ay tampered o pineke ang plaka, engine at chassis number. Paano nangyari ito? Sino lang ba ang may kapasidad na gawin ito? Maliban sa sindikatong may kontak sa LTO, puwedeng taga-LTO mismo. Kung may kinalaman ang iba pang ahensya ng pamahalaan, malalaman ito sa gagawing imbestigasyon.
Onli in da Pilipins nga lang talaga! Nakakabilib ang talento pero dahil ilegal ito, tunay na nakakatakot. Dapat ay hindi ito matapos sa pagkakadiskubre sa iregularidad. Ang pagkakabisto ay unang hakbang pa lamang. Mahabang proseso ito ng imbestigasyon para matalupan ang mga taong nagsasabwatan para sa ganitong raket.
Naniniwala kaming hindi nag-iisa ang kasong ito. At posibleng matagal na itong ginagawa ng sindikatong nasa likod ng ‘Kambal na Pajero’. Sana naman ay huwag tumigil ang LTO sa pagsisiyasat hangga’t hindi nailalagay sa likod ng rehas na bakal ang mga taong responsable rito. Ito lamang ang tanging paraan upang malinis ang kanilang tanggapan mula sa mga pagdududang ‘inside job’ ang ganitong mga raket.
Maaari ring pumasok sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) upang tuluyan nang mabasag ang sindikatong ito at maparusahan ang lahat ng sangkot.




Reply With Quote

