New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 20
  1. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    21
    #1
    kwento ko lang exp ko yesterday..

    yesterday, pumunta ako sa robinson's galeria at around 2:30pm at magpapark doon sa basement, so wala ako makitang paradahan sa B1 so andar ako papuntang B2, yung daan pa naman doon sa parking ng rob ay madaming singit singit na madalas magmemerge into 1 way pababa ng B2 at B3, so bigayan, may nauna sa akin na BMW 730 na kulay parang light blue green at walang tint kaya nakita ko driver yung nagmamaneho at wala pang plate probably na susunduin yung amo niya, sa harap niya is a white mitsu adventure na nakakita ng parking slot so tumabi siya at poporma na magrereverse parking, ito namang bmw sa harap ko di nabasa yung gagawin nung adventure since di naman naghazard lights para makita namin intensyon niya to park, so dumeretso ng konti yung bmw at nung napansin niya na nagcut bigla yung adventure para makakuha ng bwelo magpark paatras, sobra na yung harap nung bmw so ginawa nung bmw ay nagreverse ng dahan dahan, at napansin ko na tuloy tuloy yung pag reverse niya towards me ( meron mga 4-5 feet ang agwat namin) so nung tuloy tuloy siya nagbright na ako para mapansin niya na may sasakyan sa likod niya pero tuloy tuloy parin siya( di niya siguro makita at maliit I assume yung nagddrive kasi di ko makita ulo niya sa headrest or maybe mataas lang talaga headrest ng bmw) so bumusina na ako ng 2 tapik para marinig na niya pero tuloy tuloy parin siya ( siguro ulit kulang pa yung pag atras niya at tatamaan parin nung adventure) then binusina ko na ng matagal to really get his attention pero tuloy tuloy parin at ayun THUD with a crack sound! naramdaman ko na yung bangga nung rear bumper niya sa harap ko. mahina lang yung tama since dahan dahan yung pagatras niya, so bumaba na ako at bumubusina yung mga nasa likod namin kasi naiinip narin sila, nakita ko basag at may mga crack yung clear glass plate cover ko pero Thank God! walang damage sa bumper ko, sa kanya naman bumakat yung 2 turnilyo ng plate covers ko with a rectangular print na scratch na may mga pababa pa na scratches due to the glass probably, so kinausap ko yung driver pero kalmado ako ( hindi naman ako madali magalit) sabi ko:

    AKO: manong naman, hindi mo ba nakita yung ilaw ko pati narinig yung pagbusina ko?
    DRIVER: naku! sorry sir, hindi ko namalayan na ganoon kalapit na pala
    AKO: ayan, nabasag yung plate cover ko buti nalang at walang damge dun sa bumper

    tinignan din niya yung damge sa bmw at napansin ko na parang dismayado na parang nalugi yung mukha niya, so medyo naawa din ako kasi sigurado na yari siya sa amo niya kasi bago yung sasakyan tapos ganun bigla nangyari, so eventually pinabayaan ko nalang kasi mura lang naman clear glass cover sa aguila at sigurado ako na mahal damage sa kanya at nakakaawa naman yung driver..

    so lesson learned: maglagay ng glass cover to give minor protection like in my case at siguraduhin na kabisado at tantyado ninyo na talaga yung sasakyang minamaneho ninyo..

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #2

    Baka maiba na ang kwento niya pag amo na niya ang kausap....

    Ang hirap naman kasi,- panay na kamo ang busina mo,- umuurong pa rin siya....

    6000:mobile:

  3. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    2,105
    #3
    what was the driving thinking and hearing?

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    913
    #4
    a BMW 730 walang back up sensor? buti pa 01 starex ko. hehehh

  5. Join Date
    Jan 2008
    Posts
    502
    #5
    wawa naman si manong driver....buti na lang di mo na siningil sa damage

    kudos to you!

  6. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    3,305
    #6
    Dapat sa Thumbs Up Headquarters to kasi ang bait ni vanjo kay manong

  7. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    5,179
    #7
    baka hindi lang sanay yung driver... sir buti na lang yung clear glass lang tinamaan.

  8. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    457
    #8
    ako din binangga ko clear glass cover ko last Saturday sa Megamall while parked, pero matigas natanggal yun turnilyo tapos nabingkong yun plate number pero intact yun glass

    as usual, hit and run yun nakabangga

  9. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #9
    Quote Originally Posted by ringostarr View Post
    ako din binangga ko clear glass cover ko last Saturday sa Megamall while parked, pero matigas natanggal yun turnilyo tapos nabingkong yun plate number pero intact yun glass
    Galing mo OB ah.

    pano mo binangga yung clear glass cover mo? foldable yatang sasakyan mo ah

  10. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #10
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Galing mo OB ah.

    pano mo binangga yung clear glass cover mo? foldable yatang sasakyan mo ah
    OT

    Baka may isa pa siyang ride, napag trip-an nyang banggain yung clear glass cover ng isa pang ride nya.

Page 1 of 2 12 LastLast
bimmer inatrasan ako