Madalas ko nadadaanan ang ang street na ito kapag papuntang Katipunan sa umaga at gabi. Sa Chico st kasi ako dumadaan at ito ang kalye na huling tinatawiran bago Xavierville Ave. Kapag umaga, walang problema at maliwanag na masisilip nyo na tadtad ng squatters at tricycle na basta na lang bumubulaga mag-cross ang lugar na ito. Pero kapag gabi magugulat kayo sa liwanag ng lugar ng mga squatter na ito. Magmula sa kanto papasok sa loob ng kalyeng Bignay, siguro may anim na lamposts na may high intensity streetlights (sodium ba yun?) ang nakasindi. Siguro, sa entrada pa lang ha, mga 6 lamposts (na tapatan ha) ang naroon. Wala pa yatang 30 meters ang distansyang yun mula sa kanto ng Xavierville Avenue at Bignay. Samantalang sa mga surrounding subdivisions e puro dilim ang nakikita. Ano ba ang espesyal sa lugar na ito? Alagang-alaga ng barangay at konsehal siguro. Kunan ko na pics minsan.
I also pass this area. Alam ko sinara nila yung street eh. Kasi may nakaharang. Only the residents can pass by. Pero kung makiki daan ka lang to avoid passing chico and langka sts. di pwede. I think covered sha ng barangay botocan . sometimes they even close the street pag may occassion. I'll try to get pics pag dumaan ako ng gabi. Medyo hassle nga yung ginagawa nila na yun. Hindi mo pwede angkinin ang "right of way".
OT: Iwasan nyo na din yung mga "quitoda" tricycles (kulay violet) ng area na ito. eto ang mga balasubas ng mga tricycle.
meron din mga ganyan sa las pinas.inalagaan din ng mga politikong naghahari doon kaya ang sitwasyon ay parang naging subdivision w/ in the subdivision. ang masama pa diyan ay halos lahat ng masamang elemento doon nagtatago
hehehe!! sagutin ko yan bro.... sa area na yan tama si raikonen, area yan ng mga bultong botante., 2nd jan dumadaan mga magnanakaw kasi masikip yan, may streeet jan kung san papuntang escopa 1, 2 3. maraming pasikot sikot jan. pag jan ka na stranded, e medyo dilikado na. hehe!!! project 2 yan, may house kami before sa project 3 sa banuyo st. halos jan ako lumaki, yan area ng bignay st. nilalakad ko papunta sa mga barkada ko. :-)
Sorry ngayon lang ako nakapag-post ng pics. Medyo malabo nga lang kasi cell ng kid ko lang ang available. But you'll get the idea. Hanggang sa pagliko po ang mga ilaw na yan, hindi lang yung nakikita sa pics.
It is maintained through public funds coming from road taxes etc and that should not be closed. Perpetual ang gawaan ng road jan parati may hukay just to make sure that if you make a mistake in going in, matatagalan ka talaga lumabas. Although in my experience hindi pa naman ako hinarang jan pero masikip talaga. Napansin ng mga residenta gingawa silang by-pass road pag umabot na ang traffik sa intersection ng Chico St at Bignay St.
Parang nangyari sa Varsity Hills also in QC outside of Xavierville. The whole "subdivision" closed off all entry/exit points with guards. Guess what? PUBLIC ROADS DIN ANG MGA ITO. They're maintained by the govt with our taxes and what do you encounter? You can't use the freakin' road!
Dapat meron humimas ng rehas ng bilangguan... Paging the Ombudsman!