Madalas ko nadadaanan ang ang street na ito kapag papuntang Katipunan sa umaga at gabi. Sa Chico st kasi ako dumadaan at ito ang kalye na huling tinatawiran bago Xavierville Ave. Kapag umaga, walang problema at maliwanag na masisilip nyo na tadtad ng squatters at tricycle na basta na lang bumubulaga mag-cross ang lugar na ito. Pero kapag gabi magugulat kayo sa liwanag ng lugar ng mga squatter na ito. Magmula sa kanto papasok sa loob ng kalyeng Bignay, siguro may anim na lamposts na may high intensity streetlights (sodium ba yun?) ang nakasindi. Siguro, sa entrada pa lang ha, mga 6 lamposts (na tapatan ha) ang naroon. Wala pa yatang 30 meters ang distansyang yun mula sa kanto ng Xavierville Avenue at Bignay. Samantalang sa mga surrounding subdivisions e puro dilim ang nakikita. Ano ba ang espesyal sa lugar na ito? Alagang-alaga ng barangay at konsehal siguro. Kunan ko na pics minsan.