INGAT:

Pasay traffic enforcers near world trade center buendia.

Dati ang pwesto nila sa kanto ng world trade center ang mga hinuhuli yung mga galing macapagal turning right to taft avenue/roxas boulevard. Pag wala ka agad sa kanan huli ka.

Ang target nila ngayon private vehicles from taft going to macapagal, right after lumampas ng roxas boulevard( ilalim ng ramp) before world trade center and the up-turn slot.

Yung middle lane dito alanganin, pag dinerestso mo tumbok mo center island and you need to move a bit sa kanan. I've use my signal light signaling na I'm moving a bit sa kanan pero I'm really in the middle lane.

Pinara ako kahapon "reckless driving daw" pero nakipagtalo ako ng 30 minutes na I'm in the middle lane and nag change lane ako before roxas boulevard pa lang and because of that center island, gusto tingnan lisensya ko, pinakita ko lang and hindi ko pinahawak because I insist na wala ako violation (alam ko na diskarte nila, pag binigay mo lisensya mo goodbye na wala ka na magagawa, it's either tubusin mo or mag lagay ka). He asked me then na "ayusin na lang daw" para matapos na at maka alis na ako pero sabi ko kahit abutin kami ng maghapon mag talo di ako mag bibigay.Pinalampas na rin ako and wag na lang daw ulitin.

Pag hatid ko sa friend ko merong dalwang private vehicle na pinara na naman.

Ingat kayo dito kung ayaw nyo maabala, as much as possible pwesto na kayo agad sa kanan before roxas boulevard pa lang. Sabi ng friend ko weekend daw pumi pwesto yung mga yun dun. Ingat guys.