Mag ingat po tayo sa balasubas na taxi driver ng EMP TAXI na may plakang UMV 230.

Mga alas 8 ng umaga ngayon sa kanto ng EDSA at Scout Borromeo sa may Quezon City, bago dumating ng GMA Kamuning MRT station, nag aabang po ako ng taxi papunta Makati ng parahin ko at huminto naman ang nasabing taxi.

Nang sabihin ko na magpapahatid ako sa Makati, bigla niyang sinabi na may susunduin sya sa Cubao. Sinabi ko na kung may susunduin pala siya, sana hindi sya naglagay ng ON DUTY na signboard at sana ay hindi na siya huminto. Dahil sa sinabi ko, bigla siyang bumaba sa taxi at hinabol ako at akmang gagawa ng hindi maganda.

Ang kapal ng mukha ng hinayupak na driver na ito. Sana wag ka muna kuhanin ni Taning. Ang driver ay medyo maputi, mga 5'6" ang taas, may medyo malaking katawan.

Inuulit ko, mag ingat sa [SIZE=6]EMP TAXI UMV 230[/SIZE]