pag nag bail it doesnt mean na tapos na ang kaso diba.. so sa 19 na bails na yun wala man lang tumuloy na kaso?? ni hindi na convict??
pag nag bail it doesnt mean na tapos na ang kaso diba.. so sa 19 na bails na yun wala man lang tumuloy na kaso?? ni hindi na convict??
pero mamatayan ng anak = Lonely? hehehehe i think connected din itong (isa) Dominguez nato sa pinatay na Baywalk Bodies member....ano kaya result nung ballistic report kase ginagawa daw target shooting yung signage papuntang bulacan at me nakitang basyo at bala daw don eganun na nga bro...masakit sa isang ama mamatayan ng isang anak...
anak mamatayan ng ama o ina, me tawag jan....ulila...
asawa mamatayan, biyudo o biyuda...
pero mamatayan ng anak.....![]()
hahaha...mr. Lonely, sa tagalog nyan bro, walang pera....jk.
BTT, marami na ding alam yung baywalk babe kaya itinumba na din...
siguro gusto na makipaghiwalay kaya ayun....
Kapag pinagtugma tugma ang mga scenarios...malaking sindikato talaga ito...me nadinig ako sa balita, 5 grupo daw ito...pero iisa lang mastermind nyan...
isa sa bagsakan, yan sa kapalangan Pampanga.......![]()
Wala kayang kuneksyon ito dun sa mga nawalang sasakyan na kinuha ni protacio? Di kaya nagpalamig lang sila, at ngayon tinutumba ang mga kasamahan... para walang kumanta? Di kaya ang big boss ang nagpatumba at ngayon nagtuturuan ang mga galamay? hehehe![]()
Maraming kaso di umaatend ang arresting officer o ang imbestigador sa hearings. Ung kaso nababasura. Usually in carjacking cases, insurance ba nag hahabol or goverment? The vehicle owner usually gets paid by the insurance company, and the carnapped vehicle becomes the insurance company's property.
Last edited by Monseratto; January 24th, 2011 at 07:32 PM.
Kapapanood ko lang sa TV Patrol(during lunch break-umuuwi ako sa bahay), sinundo na si Raymond doming from Bulacan PNP para ihatid sa CIDG-crame....pero wala pa daw kaso isinasampa....
isa pa yang Protacio na yan...daming naging kaso pero nagpatuloy sa kalokohan...i wonder ano na nangyari sa babaeng yun.... as I have said before mukhang maraming grupo sila pero iisa ang promotor...
recall lang about protacio...
http://tsikot.yehey.com/forums/showthread.php?t=75802
Mga padrino ng 'Dominguez' huhubaran
Ni Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) Updated January 26, 2011 12:00 AM Comments (26)![]()
MANILA, Philippines - Tatalupan ng Philippine National Police (PNP) ang mga sinasabing maiimpluwensyang protektor na nasa likod ng mahabang panahong pamamayagpag ng Dominguez carjacking syndicates na pinamumunuan ng mag-utol na Raymond at Roger.
Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na hindi tatagal ang iligal na aktibidades ng Dominguez carjacking gang kung walang mga ahensya ng pamahalaan at mga tiwaling mga opisyal na nagbibigay proteksyon sa mistulang ‘untouchables’ na grupo.
Isa sa hinihinalang kasabwat ng Dominguez gang ay taga- Land Transportation Office (LTO).
Ang grupo ay may 31 kasong kriminal kabilang ang falsification of public documents, illegal possession of firearms at 19 kaso ng carjacking kung saan nakakapagpiyansa ang mga ito.
Sa kabuuang 28 plaka ng sasakyan na narekober sa hideout ng mga Dominguez sa Pampanga ay 24 na ang naberipika ng Highway Patrol Group.
Samantala, inihayag rin ni Special Investigation Task Group (SITG) Head P/Chief Supt Benito Estipona na hindi nag-match sa pagsusuri ng Firearms and Explosives Division (FED) ang mga bala ng 9mm pistol na ginamit sa pagpatay sa mga car dealers na sina Venson Evangelista at Emerson Lozano gayundin sa kasama ng huli na si Ernani Sensil.
Aminado ang opisyal na ‘back to zero’ ngayon ang kanilang isinasagawang pag-iimbestiga at patuloy pa ang kanilang paghahanap sa mga bala ng armas na posibleng ginamit sa karumal-dumal na krimen.
Update lang sa Doming bros carnapping syndicate....![]()
1 pang kuta ng Dominguez brothers ni-raid
Ni Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) Updated January 26, 2011 12:00 AM Comments (10)![]()
MANILA, Philippines - Isa pang hideout ng magkapatid na Raymond at Roger Dominguez ang sinalakay ng mga awtoridad kamakalawa sa Mabalacat, Pampanga.
Ayon kay Mabalacat Chief of Police P/Supt. Rolly Mendoza, dakong alas-4:45 ng hapon ng pasukin ng mga awtoridad ang isang duplex sa Lemens subdivision sa Brgy. Mabiga, Mabalacat sa bisa ng search warrant.
Kabilang sa mga nasamsam ay dalawang Mitsubishi Montero Sports vehicle na kulay abo at berde na wala ng mga numero ng plaka, isang pulang Hyundai Sta. Fe (NTI-548) at isang Honda VTEC kulay pula na wala ng plate number at chassis number.
Nakuha rin ang 15 motor engine na pawang nakakalas na at sari-saring mga motor vehicles accessories kabilang ang mga gulong ng sasakyan na aabot sa 35 piraso, isang transmission, isang GS battery at isa pang crocodile jack.
Nitong Biyernes ay anim na sports utility vehicles ang nasamsam sa serye ng raid sa San Fernando City, Angeles City at Mabalacat.
Kabilang sa mga nakumpiska ay isang lumang modelong Silver Kia Sportage na may commemorative plates ng Department of Justice, isang itim na Mitsubishi Outlander (ZLL-649), itim na Ford Everest (NMQ-946), kulay gintong Ford Expedition at berdeng Mitsubishi Pajero.
Samantala ang KIA Sportage ay nakuha naman sa safehouse sa Mabalacat habang ang Outlander at Ford Everest ay nadiskubre sa auto repair shop sa Brgy. Pulongbulo, Angeles City.
Ang Ford Expedition at Mitsubishi Pajero ay nakuha naman sa inuupahang apartment ng magkapatid na Dominguez sa Greenville Subdivision, Brgy. San Jose, City of San Fernando at ang berdeng Toyota Revo (SGC-388) na may government license plate ay nakuha rin sa lugar.
![]()
grabe 2 no plates Montero Sport kagad meron sila, kawawa naman yun nakuhaan, kakabili lang siguro
----
when our car got carjacked some 8 years ago, ang sagot samin ng Ancar unit sa Karingal, dapat daw ni-radyo kagad sa kanila para natimbrehan sa NLEX security, kasi sigurado sa Pampanga daw bagsak nun
tagal tagal na din yan Pampanga na main HQ ng carjacking/carnap operations. the question is bakit dyan? hindi sa Pangasinan, hindi Cavite, hindi sa Baguio. i'm not trying to be political kasi na-carnap car namin di pa naman presidente si ma'm.
bakit Pampanga? what's so special about that place for carnapping operations. dahil ba nabura sa mapa ng lahat eto nun 90's and therefore, mahirap matunton
[quote=hondaboot;1664672]grabe 2 no plates Montero Sport kagad meron sila, kawawa naman yun nakuhaan, kakabili lang siguro
----
when our car got carjacked some 8 years ago, ang sagot samin ng Ancar unit sa Karingal, dapat daw ni-radyo kagad sa kanila para natimbrehan sa NLEX security, kasi sigurado sa Pampanga daw bagsak nun
tagal tagal na din yan Pampanga na main HQ ng carjacking/carnap operations. the question is bakit dyan? hindi sa Pangasinan, hindi Cavite, hindi sa Baguio. i'm not trying to be political kasi na-carnap car namin di pa naman presidente si ma'm.
(1)Maraming exit route at madaling daanan palabas ng Metro Manila. (2)Business capital ng "spare parts" auto industry. (3) :dunno: Promise land daw?!
bakit Pampanga? what's so special?