Papunta ako ng North Park Banawe from UST last Wednesday. I was stopped on Laon Laan dun sa stoplight at the corner of A.H. Lacson (aka Forbes). Actually medyo nagmamadali pa nga ako kasi I have to return some papers to a classmate na paalis na ng North Park in a few minutes.
Nung nag-go na kami, hindi huminto ang isang green na Revo na crossing A.H. Lacson. Dire-diretso lang akala mo nasa Luneta. Businahan lahat. Tapos muntik na sila magsalpukan nung isang L300 Versa Van (WSW 360?) na nasa left lane (3 lanes kasi). Preno silang dalawa. Kita ko sinusubukan mag-maneuver nung Revo out of the gridlock na ginawa niya.
So that's when I made my move. From second lane lumipat ako sa 3rd lane then full speed ahead. Just when the Revo was about to break free, ayun ako naman ang bumara sa kanya. Wala siyang takas, buong gilid ko naka-balya na kanya. Sarado na ang crossing ng Lacson dahil dun sa Versa Van at sa akin. Kung emergency ito, magsasalita ang driver malamang (may "DOCTOR ON BOARD" sticker sa windshield). Walang imik. Ako din cool lang. Sarado lahat ng bintana pero flashing hazards and naka-high beams to warn other motorists and naka-primera ako in case the driver turns violent on me.
A few moments later dumating na ang traffic enforcer. Tumatakbo from the far end of A.H. Lacson. Kinuha ang lisensya ng Revo driver at pinatabi na. Natawa lang yung enforcer and gives me at thumbs up. So inalis na namin nung L300 yung roadblock. L300 driver beeps his horn and gives me a thumbs up, too. Ako naman smile na lang then proceed to my destination na.
Ewan ko kung ano ang nangyari sa Revo. Tama nang ganti for endangering the lives of motorists yung maabala siya. hehehehe. Karma na lang. Basta smile tayo lahat. :D



Reply With Quote

