New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 5 12345 LastLast
Results 1 to 10 of 41
  1. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    14
    #1
    Hi! post ko lang po itong napakasamang service ng Sumo Sam(Jap resto) sa Shangrila.

    Kumain kami dito with my family kasi sabi ng mom ko oks daw dito since paborito ko ang jap food. After waiting for around 20 minutes para lang makaupo ayan so, nag order na kami tempura, cali maki, sashimi,chicken rolls, jap carbonara, plain rice, beef teppan, fried rice...Dumating na po ang ibang order, carbonara, maki, sashimi, tempura and yung mga drinks. Ako naman di pa talaga full kain, tikim lang ng tempura kasi inaantay ko yung fried rice na order ko and beef teppan.

    And so ang tagal na ala pa yung order ko, so follow up ko yung order.Fast forward..naka 3 follow up na ako and di pa dumarating. So nung pang apat na follow up ko, maya maya may lumapit na ibang food attendant, at tinanong kung may order daw ba kaming fried rice? wala daw nasulat..Ayaw ko magalit since naka experience na ako mag work sa restaurant so ayun sabi ko iluto na nila para wala na hassle...then dumating na yung fried rice, finally! ubos na lahat ng order namin nung dumating. Tinanong ko yung beef teppan kung asan na. And guess what kung ano sagot sakin? Naunahan daw kami nung kabilang table sa beef teppan at di na daw available. WTF!?meron bang ganun? 4 times na finollow up dapat nga sa unang follow up palang o sa pag order sasabihin na nila kung available o hindi, and worst eh may nakauna daw. Sabi ko dapat ininform nyo man lang kami na wala na pala(dito na ako nagalit, di ko na napigil) eh 4 na follow up wala man lang nag sabi. Nag iintay ako sa wala. Sagot lang nya sakin: "kaya nga po sir" "kaya nga yung rice pina rush ko na rin". Mga Eng*t na sagot. so what kung pina rush? Sumablay na nga sila dun sa rice eh.

    Grabe talaga to, HRIM grad ako so may background sa service and experience ako sa resto, grabe mga food attendants dito kung mag pasahan ng trabaho. Me walang alam sa menu nila, yung kumuha ng order namin tinitignan pa ang menu para kopyahin yung order namin, walang idea kung ano yung food items nila. As much as possible hindi talaga ako nagagalit sa resto, pero ito iba, talagang pina init ulo ko dahil obvious na wala man lang training at seminar basta pasok na lang ata basta basta kung may nag apply sa kanila. And sabi pa pala ng supervisor ng huli, mag papaluto sya ng beef teppan, hahaha! after all that BS nagkaroon bigla ng beef teppan? what a lousy service.

    Sensya na mahaba, share ko lang to kasi nasira talaga family day namin dito sa ResTaurant na ito(Sumo Sam).

    PS... yung bartender pala nila eh kain ng kain ng prutas na ginagawa nya with matching pag titinga. And to think nasa gitna at mataas na spot sila ng dining area. tsk tsk...
    Last edited by Gboy29; August 8th, 2006 at 05:17 AM. Reason: typo error

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    665
    #2
    mahirap makipag diskusyon sa mga resto hindi mo alam baka babuyin yung oorderin mo.

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    235
    #3
    Quote Originally Posted by Rediesel
    mahirap makipag diskusyon sa mga resto hindi mo alam baka babuyin yung oorderin mo.
    yung mga ibang cook sa resto daw sinisingahan ng sipon ung pagkain, para pampa-alat. :suka:

    ot:
    sabi nung kakilala ni misis isang waitress. nung pinabalot ung left over na pagkain nung isang kumain sa resto, naitapon daw accidentally nung isang waitress ung pagkain sa trash can. tapos nung bumalik daw ung waitress dun sa mesa nung mga kumakain, tinanong daw ung pagkain na pinabalot nila para iuwi. tapos daw, ung waitress na kilala ni misis napansin daw nya ung isang waitress na pinulut ulit ung pagkain doon sa trash can at inilagay ulit doon sa box for to go. yuck! biruin nyo tinapon na sa garbage can ung tirang pagkain, tapos pinulut ulit bago ibigay doon sa kawawang customers?

    kaya kami kapag kumakain sa resto, at meron kaming sobrang tirang pagkain
    hindi namin pinadadala ung pagkain sa loob ng kusina nila baka accidentally, maitapon nila sa basura ung tirang pagkain mo, at tapos pupulutin lang ulit bago ilagay sa box.

    lessons learned:

    kaya kami kung meron kaming tirang pagkain, ang ginagawa namin humihingi kami ng (box/to go) at sa mesa namin mismo nilalagay ung tirang pagkain namin. kasi, mas sigurado ka dito na hindi nila accidentally na maitapon ung pagkain sa trash can,tapos ilagay lang ulit sa box mo.

  4. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #4
    baka hindi na beef yan niluto beef teppan hehehe

  5. FrankDrebin Guest
    #5

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #6
    Mas masahol yung ginawa ng barkada ng kapatid ko sa intsik na kostumer nila. bastos daw kasing mag-order yung intsik kaya ginawa nila yung tubig ng ice tea nya kinuha nila sa inidoro.

    Aral: maging mabait sa mga waiter/waitress. saka na lang kayo magalit pagkatapos nyong kumain.

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #7
    i-ban mo na lang sa listahan mo. talo ka sa mga yan, kayang kaya nilang bastusin ang order sa likod mo. always be nice upon ordering. pinsan kong cook kung ano-ano nilalagay pag barumbado customer.

  8. Join Date
    Dec 2003
    Posts
    11,316
    #8
    doon nalang kayo kumain sa The Heat, mahal pero minsan may celebrities haha baka matyempohan si heart o pauleen luna :D last time kita ko si isabel ollie(sp), pero di lang nga ganun kasarap

  9. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    235
    #9
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    Mas masahol yung ginawa ng barkada ng kapatid ko sa intsik na kostumer nila. bastos daw kasing mag-order yung intsik kaya ginawa nila yung tubig ng ice tea nya kinuha nila sa inidoro.

    Aral: maging mabait sa mga waiter/waitress. saka na lang kayo magalit pagkatapos nyong kumain.
    harharharhar. matindi rin ginawa sa kanya noh?

  10. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    235
    #10
    Quote Originally Posted by xto View Post
    i-ban mo na lang sa listahan mo. talo ka sa mga yan, kayang kaya nilang bastusin ang order sa likod mo. always be nice upon ordering. pinsan kong cook kung ano-ano nilalagay pag barumbado customer.
    hahaha... pati siguro ipis at langaw nilalagay anoh? tawag nila dito ipis,langaw barumbado de-alacarte.

Page 1 of 5 12345 LastLast
Bad Restaurant Service...