New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 15 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 238

Hybrid View

  1. Join Date
    Nov 2004
    Posts
    73
    #1
    mga sirs/mams, kayo ba ay isa sa mga nabiktima, na gaya ko, ng mga ASBU units na naglipana sa karsada ? nuung isang linggo, napara ako ng mga ito sa may pasay, sa may roxas blvd. pinabayaan ko lang na gawin nila ang test,dahil mahirap naman mag dunung dunungan sa mga ito. sa madaling sabi, syempre babagsak ka sa gagawin nilang test. bakit ? subukan mo tanungin ang mga ito, at sasabihin nila, dapat gagawin ang test sa 3.5 daw (sigruo 3,500 rpm, he he). ang gamit ko ay crosswind at alam ko na talagang target naman palagi ang ganito. at ganun na nga, sagad sagad sa rebolusyon, at pag labas ng test, syempre, bagsak .nagpa issue na ako ng ticket, para wala ng mahabang usapan. nag search ako sa internet tungkol dito sa ASBU,at wala ka makita specifically tungkol sa mga ito. kaya lahat ng govt agencies na alam ko na may kinalaman dito ay pinagtanungan ko , thru email. LTO, DENR, DOTC, MMDA , at ang humuli sa akin na pasay city hall. makalipas ang ilang araw, natanggap ko ang reply mula sa MMDA (sila lang ang bukod tangi nag reply, salamat at meron pa rin palang tao sa gobyerno na nagta trabaho). attach ko dito ang test procedure. kapansin pansin na wala naman sinasabi dito na dapat todo tapak sa gas pedal, tsak mo kukunan ng reading sa emision test ang sasakyan, hindi naman ako pilosopo , pero dahil wala naman nakalagay dito, palagay ko, dapat sa idle lang ang pag kuha ng reading. post ko lang ito, at baka gusto nyo i print at ipamukha sa mga taga ASBU ito, maliban na lang kung may biglang ilabas sila na test na nagsasabi na dapat pala todo gas pedal kapag kukuha ng reading. makatulong sana ito sa inyo. wala naman problema sa parahin tayo paminsan minsan sa karsada. ang nakakainis lang, parang ginagatasan lang tayo ng mga ito. naku , sorry, di ko alam kung paano mag attach dito, matapos itong nobela, di ko pala ma attach. sir administrator, paano mag attach ? tingin ko, ang i attach ko naman ay pakikinabangan ng karamihan sa atin.

  2. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    4,448
    #2
    magandang idea yan sir. pprint ko at lalagay ko sa L300 namin

  3. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,829
    #3
    Wala talagang naka specify na rpm para sa smoke belching test. Gusto lang talagang kumita ng mga tarantadong yan, lagay mo sa glove box mo yang reply ng MMDA at sampal mo sa mukha nila next time.

    Ang dapat nilang flag down for emission test eh yang mga puj at bus.

  4. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,870
    #4
    Ganyan talaga ang gawain ng mga buwayang 'yan. kung mapapansin niyo, kahit walang usok
    na lumalabas sa tambutso ninyo, paparahin at paparahin kayo ng mga 'yan. ang laging "intro":
    mausok ang sasakyan niyo sir, testingin lang namin. kung baguhan ka, papayagan mong sumakay
    'yang mga 'yan at "pedal to the metal" talaga. malamang sa hindi, talaga namang susuka ng usok
    ang sasakyan mo. 'pag may usok, may tiket... PERA NA NAMAN!!! MASAYA NA NAMAN ANG
    MGA LACOSTE!!!
    ang kadalasang target ng mga 'yan, bukod sa mga PUV, ay mga ADVENTURE at CROSSWIND.
    'yang mga sasakyan na 'yan ang nangunguna sa listahan nila. kaya bago man o luma, siguradong
    paparahin ka. mayroon akong nabasa sa ISUZU THREAD re DEALING WITH USOK BOYS, courtesy of
    sir JAPastrana... share ko na rin lang sa inyo... HIH.

    *** DEALING WITH USOK BOYS ***
    Hindi ako nagpapahuli sa kanila. Iniiwasan ko sila. Dahil siguro matigas ang ulo ko at dahil sa mga dahilan ko:
    1. Dapat hulihin din nila ang mga PUV (mas maraming puv na smoke belchers).
    2. Taon taon ang rehistro ng mga sasakyan at isa sa mga requirements ay makapasa sa smoke emission test
    na ating binayaran. So anong logic ng panghuhuli nila kung narehistro naman ang sasakyan mo.
    3. ASBU units are usually under the city/local goverment. Sa pagkakaalam ko hindi nila jurisdiction ang
    National Roads.
    4. Ayaw ko sila pasakayin sa sasakyan ko at hahayaang tapakan ang gas pedal ko, parang attempted car
    napping ang dating. Kung ang pulis nga sa check point hindi pwedeng basta-basta mag search, ang ASBU pa
    kaya na sasakay sa sasakyan mo.
    - JAPastrana -

  5. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    9,431
    #5
    may monthly lagay kasi mga PUJ association and PUB operators sa mga lespu. kaya exempted sila sa mga ganyan

  6. Join Date
    Nov 2003
    Posts
    183
    #6
    Curious lang, meron na ba sa inyong pinara na pumasa sa test?

  7. Join Date
    Nov 2004
    Posts
    73
    #7
    sir nic, sa pananaw ko, baka kahit modelong sasakyan bumagsak din. paano ba naman, sasakyan nung ASBU boy, tapos isasagad ang gas pedal, tsaka i reading. sir dct, sorry di ko ma i attach yung document galing mmda. anyway, nag email uli ako sa mmda, nagtatanong na sa pagkakaintindi ko, wala namang mention sa test procedure na bobombahin mo ang gas pedal, kaya kako ang intindi ko dapat ay sa idle lang ang pagkuha ng emision test, kahit nitong mga "ASBU" . kung sakali suamgot uli ang mmda, advise ko kayo. salamat sa mga nag comment, at sana maging mapag masid tayo

  8. Join Date
    Aug 2010
    Posts
    1,173
    #8
    Quote Originally Posted by nic View Post
    Curious lang, meron na ba sa inyong pinara na pumasa sa test?
    nangyari sakin noon, gamit ko is besta which is mausok naman talaga if you rev it hard, syempre..medyo kinabahan din ako pero di ko sila pinayagan na sila mag-rev, ginawa ko finull blast ko yung aircon tapos ako nag-rev, pero di parin sila satisfied, pinipilit na isa pa daw at sila daw mag-rev, so ginawa ko pinakita ko yung resulta nung smoke test ko then konting diskusyon, patigasan lang..ayun tinigilan nila ako.

  9. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    31
    #9
    Quote Originally Posted by nic View Post
    Curious lang, meron na ba sa inyong pinara na pumasa sa test?
    Yes po, ako po yesterday under Guadalupe, Na- Flag down ako for no apparent reason. Nissan Urvan 2004 (very well maintained)

    There were two more vehicles before my turn, man, hassle, paparahin ka without any justifiable cause (is that legal by the way?). Di naman umuusok muffler ko ng maitim na usok. Then came my turn, guess what? Wala!!! I passed their test!!!

    Twelve (12) minutes for nothing!!! I told them “Sinabi ko na sa inyo na ayos yan, inabala nyo lang ako” Yung ginawa nila is a f#%#&^* waste of my time!!

    Eto pa, the guy who made the inspection just smirked at me, wala man lang sinabing “pasensia na sa abala” , and that really ticked me off! when the guy returned my registration papers, i asked him “ano pa bisa ng LTO emissions if kung di rin pala applicable sa inyo?

    He replied “LTO CORRUPT, NABABAYARAN EMISSIONS” I just shook my head again, is he implying that the reason why he flagged me down and did a test was because i corrupted my LTO emmisions inspections? - These people are arrogant mindless fools. I am a hard working, tax paying citizen, oh yes, i pay taxes in Makati too, tapos eto. Mga PERWISYO KAYO MAKATI ASBU!!! BTW, i got there names: M. Quinagutan, and J.M. Cristino or Crispino

    Things that come into mind:
    1. Flagging you down for no obvious reason. (Chamba-chamba baka makadali ng lagay)

    2. Since they do not recognize LTO’s emmissions inspections to be credible, then what is the law of the land regarding emmisions? who has the final say?

    3. ASBU’s way of approaching, flagging down, apprehending the suspected vehicles is wrong. Arrogante!! they should be properly trained in explaining to the people why they are flagged down? Sa akin, wala, nagpakilala lang na smoke belching, tapos hingi kagad ng registration papers. Walang, “Sorry for the inconvenience po, (atleast to appease) smoke belching campaign, para lang po ma check if ok parin ang ating exhaust / engine emmisions., para namin din po sa kalusugan ng lahat.
    Hindi eh, hingi kagad ng papeles, wala paliwanag, basta ang alam sana bumagsak para may kita sila!!

    4. Since i passed their test, what is my assurance, that they won’t flag me down again.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,121
    #10
    Delivery vans and private diesel vehicles ang mga target nila...while oblivious to PUJs spitting out black smoke zipping by

    Sent from my iPad using Forum Runner

Page 1 of 15 1234511 ... LastLast
ASBU smoke belching test