bakit may mga taong ganito, ang yaman naman pero pag may nababangga tinatakasan pa rin ung nabangga. sobra na sila gahaman sa pera.

kanina lang habang nakasay ako sa bus sa may taft corner pedro gil ata, bigla na lang nabangga ung bus na sinasakyan ko. un pala naatrasan ung bus ng tumatakas na expedition na nakabangga ng kotse.

ung expedition nakabangga ng kotse sa intersection (nag beating the red light ata ung expedition), so akala ng bus hihinto na ung exped saka green na kami, so dun siya dumaan sa likod ng expedition. aba biglang umatras ung expedition sa pagkakabunggo niya don sa kotse at ang nabangga naman ung rear ng bus. tapos sabay harurot ung expedition, talagang mabilis ung pagkakaatras niya kasi naalog ung bus. kawawa ung nabanggang kotse, sa side ata tinamaan. hindi ko nakita kasi nasa kabilang window kami, pero un ung pagkakasabi nung mga nasa kabilang side saka driver.