Mga pulitiko talaga walang magawang matino. Kauupo pa lang, gustong magpakitang gilas ang napagdiskitahan niya yung mga billiard halls, mga computer shops. Siyempre damay internet cafe ko.

Sa ordinansa ng bayan namin bawal ang mga elementary at highschool students na maglaro from 7AM hanggang 5PM kaya yun ang sinusunod ko. Eto na, nag-inspect na tong magaling na vice mayor, pasok sa lahat ng billiard halls, computer shops karamihan may nahuling mga bata, kinuha lahat ang pangalan, kung saan nag-aaral etc. Pagdating nila dito sa shop wala silang nakitang bata, picture dito, picture doon, video dito, video doon tinanong pa ko ni vice mayor kung may bata sagot ko naman "wala po dahil sinusunod ko yung ordinansa natin."

The other day meeting sa Sangguniang Bayan dahil sa marami talagang nahuli. 1st offense multa ng 1,500, 2nd offense 2,***, 3rd offense revocation of permit. Nung tinatawag na yung mga may multa nandun na yung pangalan ko. Yung mga nahulihan talaga nandun yung pangalan ng mga bata samantalang sa akin wala silang masabing pangalan ng bata Ngayon gusto nilang bayaran ko yung 1,500 na multa wala ngang bata bakit ako magbabayad. Ang sabi pa nila "usapang lalake daw, bayaran na lang yung 1,500" POTEK MGA BUGOK TALAGA