kaninang umaga galing Osmena hi-way, nag left ako sa quirino papuntang taft.. approaching intersection ng San Andres at Quirino, malayo pa lang ako
kita ko na yellow light na so pa-stop na ang mga sasakyan.. may natatanaw na akong parang pulubi na may bitbit na mga basura na nglalakad sa gitna ng kalye.. nung narating ko na ang intersection, at nag stop na rin ako(pang 3rd ako sa pila ng sasakyan na nakastop sa intersection)
dumaan sa right side ng kotse ang lalaking pulubi (parang taong grasa na adik). nagulat ako at biglang sya natumba sa may passenger side ko! at naramdaman ko na dumikit sya sa kotse ko.
sobrang kinabahan ako dahil baka akala nya ay nasagaan ko sya or bka akalain din ng mga kotse sa paligid na nasagasaan ko ang lalaki at baka kung ano ang gawin sakin..tapos after ilang seconds tumayo sya at parang may mga pinupulot.. at ayun na.. lumapit na sya sa driver's side ko at sinasabing bayaran ko daw ang nabasag ko na gamot..
ako naman dahil mag isa sa kotse ay medyo kinakabahan at bka basagin ng lalaki ang salamin ng kotse.. binuksan ko ang window at inabutan ko sya barya..galit sya at nanlilisik ang mata at bayaran ko daw ang gamot na nabasag ko.. P300 daw iyun( e wala naman ako narinig na nabasag)..gusto ko syang murahin at sabihin na ikaw ang natumba mag isa mo at nde kita binangga, ikaw ang bumangga sa kin!
sa mga oras na yun ay nagdadasal ako na sana mag green na at ng maka alis na ako dun.. buti na lng at nag green na at iniwan ko na sya.. sa loob loob ko, malinis ang konsensya ko at wala ako ginawa sa kanya..
nung ma feel ko na medyo safe na ang lugar at malayo na ako ay huminto ako sandali para magdasal.. natakot ako sa nangyari at inisip ko kung modus operandi ba yun para makahuthot ng pera ang taong yun..
inisip ko din na baka meron syang kasama at kung huminto ako at makipag usap sa kanya at bka i-carjack ako, madami pa naman squatter nakatira sa area na yun.. haaayy.. nakakatakot na tlaga ngayon.. kahit nananahimik ka at walang ginagawa ay meron tlagang mapagsamantala at nanggugulo..
malapit na rin cguro ang pasko kaya ganun.. kaya, magdasal na lng tayo lagi na maging safe tyo sa daan..


Reply With Quote


wait, may dimple ka ba? hehe.
