New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 29

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    16
    #1
    kaninang umaga galing Osmena hi-way, nag left ako sa quirino papuntang taft.. approaching intersection ng San Andres at Quirino, malayo pa lang ako
    kita ko na yellow light na so pa-stop na ang mga sasakyan.. may natatanaw na akong parang pulubi na may bitbit na mga basura na nglalakad sa gitna ng kalye.. nung narating ko na ang intersection, at nag stop na rin ako(pang 3rd ako sa pila ng sasakyan na nakastop sa intersection)
    dumaan sa right side ng kotse ang lalaking pulubi (parang taong grasa na adik). nagulat ako at biglang sya natumba sa may passenger side ko! at naramdaman ko na dumikit sya sa kotse ko.
    sobrang kinabahan ako dahil baka akala nya ay nasagaan ko sya or bka akalain din ng mga kotse sa paligid na nasagasaan ko ang lalaki at baka kung ano ang gawin sakin..tapos after ilang seconds tumayo sya at parang may mga pinupulot.. at ayun na.. lumapit na sya sa driver's side ko at sinasabing bayaran ko daw ang nabasag ko na gamot..
    ako naman dahil mag isa sa kotse ay medyo kinakabahan at bka basagin ng lalaki ang salamin ng kotse.. binuksan ko ang window at inabutan ko sya barya..galit sya at nanlilisik ang mata at bayaran ko daw ang gamot na nabasag ko.. P300 daw iyun( e wala naman ako narinig na nabasag)..gusto ko syang murahin at sabihin na ikaw ang natumba mag isa mo at nde kita binangga, ikaw ang bumangga sa kin!
    sa mga oras na yun ay nagdadasal ako na sana mag green na at ng maka alis na ako dun.. buti na lng at nag green na at iniwan ko na sya.. sa loob loob ko, malinis ang konsensya ko at wala ako ginawa sa kanya..
    nung ma feel ko na medyo safe na ang lugar at malayo na ako ay huminto ako sandali para magdasal.. natakot ako sa nangyari at inisip ko kung modus operandi ba yun para makahuthot ng pera ang taong yun..
    inisip ko din na baka meron syang kasama at kung huminto ako at makipag usap sa kanya at bka i-carjack ako, madami pa naman squatter nakatira sa area na yun.. haaayy.. nakakatakot na tlaga ngayon.. kahit nananahimik ka at walang ginagawa ay meron tlagang mapagsamantala at nanggugulo..
    malapit na rin cguro ang pasko kaya ganun.. kaya, magdasal na lng tayo lagi na maging safe tyo sa daan..

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,812
    #2
    nakakapag init ng dugo!

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #3
    Modus Operandi yan, opismate ko nadali ng ganyan, pero wala din naman nakuha sa kanya.

  4. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    16
    #4
    oo nga e.. mukhang Modus talaga.. Pu******* nya.. napapamura ako sa galit.. bakit nagagawa nila yung ganun.. nung tinignan ko nga kotse ko nung nakapark na ko.. may isang dimple na maliit dun sa part na kinabagsakan nya.. inisip ko na lng, ok lang yun basta wala nangyari masama sakin at safe pa rin ako..

    ano ba ma-advise nyo sa ganung situation? ano dapat gawin?

  5. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    16
    #5
    tama ka shadow, dapat nde ako nag bukas ng window.. e kase, natakot ako.. first time ko maka encounter ng ganun.. natakot din ako baka basagin nya window kung nde ko buksan.. ang naisip ko na lng din, bka umalis na din sya kung sakali bnigyan ko barya...

    haay.. natakot kse tlaga ko kanina.. nataranta ako nde ko lam pano ihandle yung situation.. tsk

  6. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #6
    Quote Originally Posted by otto_girl View Post
    may isang dimple na maliit dun sa part na kinabagsakan nya..
    ano ba ma-advise nyo sa ganung situation? ano dapat gawin?
    ok lang yan, kesa naman ikaw ang may dimple. wait, may dimple ka ba? hehe.

    advise. sabi nga ni shadow, Ignore... sabi ko naman, igonre those l*wly*n$wormcr*wl!nM*th$rf...rs.

  7. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    1,577
    #7
    Another similar modus operandi... Everyone's aware of the road from Quirino to the ramp going to Magallanes di ba (aka papuntang cash and carry, EDSA-Pasay?)??? May mga "kunwaring" tumatawid dun na sisilip sa passenger o driver window kung nakabukas including door locks. Pag makita ka na may kausap sa cellphone, dudukutin ung cellphone mo mula sa kamay mo sabay takbo papuntang kabila. Meron din nadali dito na habang traffic sa ramp eh binuksan ung pinto at kinuha ung bag ng driver na babae.

    Witnessed both events. Ung sa cellphone matanda ng babae na kasama asawa niya... nakikipagusap lang siya sa passenger seat * windows open kaya na-snatch. Ung sa bag naman nung traffic din, talagang binuksan ung pinto sa passenger side ng babae at dinekwat ung bag.

    Hirap na nga yun. Just make sure your car's locked and if saving gas, don't open your windows too much. A little space where air could enter should be more than adequate na.

  8. FrankDrebin Guest
    #8
    Quote Originally Posted by otto_girl View Post
    oo nga e.. mukhang Modus talaga.. Pu******* nya.. napapamura ako sa galit.. bakit nagagawa nila yung ganun.. nung tinignan ko nga kotse ko nung nakapark na ko.. may isang dimple na maliit dun sa part na kinabagsakan nya.. inisip ko na lng, ok lang yun basta wala nangyari masama sakin at safe pa rin ako..

    ano ba ma-advise nyo sa ganung situation? ano dapat gawin?
    Naka-clear windows ka ba?

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #9
    meron ako nakita pick-up covered yung likod(kalimutan ko na yung name ng housing nito) pero open yung window sa likod.. nakita ko na lng may nakuha na silang bag..kawawa naman yung biktima..
    Nalundag na kami diyan. Dala namin Mazda B-series tapos may balikbayan box sa likod.

    Ibang klase talaga, ready sila. Kasi hindi nila madadala yung box, may dala na silang cutter pagsakay nila sa likod to rip it open.

    Kaso handa din kami, puro matitigas na bagay ang laman ng box sa itaas kaya hindi nakapasok yung cutter. Sabay harurot.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  10. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    16
    #10
    naka dark tint naman po ang kotse ko.. cguro ako ang napili nya biktimahin kse bus ang nasa harap ko nun, at sa gilid ko naman ay taxi.. tsk tsk..
    dapat kse may pulis man lng sa area na yun..

  11. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3,299
    #11
    Otto girl, modus operandi ng ilang mga pulibi at ilang mga tambay sa kalye. Tagal na may ganyan. Nagkalat yang mga yan sa buong Metro Manila. Kahit sa Makati, may ganyang mga rokoroko. In fact, yung expat namin dating Canadian, sa ganyan na dali - kanto ng Buendia at Makati Ave - a couple of years ago.

  12. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    17
    #12
    Obviously, modus operandi nga yan.
    Never get out of you car in situations like that.
    Lalo na kung cguradong wala ka naman nagawang mali.
    If you spot a Barangay Tanod, MMDA, or a Policeman, bumusina ka na ng WALANG PUKNAT! Takot jan ang mga masasamang loob.
    ITO ANG DAPAT SA KANILA.......

  13. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    14
    #13
    Quote Originally Posted by Full - Throttle View Post
    If you spot a Barangay Tanod, MMDA, or a Policeman, bumusina ka na ng WALANG PUKNAT! Takot jan ang mga masasamang loob.
    yan ba yun sinasabi nila na
    galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw??
    oops, bato bato sa langit...

    peace po!

  14. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,064
    #14
    Araw-araw akong dumadaan dyan sa area na yan for how many years now... minsan napapansin ko yan eh... pero siguro namimili ng gigimikan yang loko na yan.. parang me topak yan eh... minsan yan nag pu-push-up sa harap ng mga sasakyan eh. kahit nung college pa ko nakikita ko na yan eh.. buhay pa pala hanggang ngayon yan... favorite nya ang kanto ng taft at quirino.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #15
    yes it is! in the first place dapat hinde ka na nagbukas ng window kung alam mo naman hinde mo nabangga, by opening your window and giving him loose coins and beside mas delikado pag nagopen ka ng window sa strangers especially sa description mo sa tao, eh di parang inamin mo na nga na meron kang nagawa...just ignore this kind of people, I assume babae ka, next time if you feel treathen use your horn to make somenoise and catch attention never, never open your window, eh ano kung scratch niya car mo at least pwede marepair yun what if ang scratch niya yun face mo....

  16. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #16
    Diba sa Taft nakakarating din yan?

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  17. Join Date
    May 2004
    Posts
    1,175
    #17
    tama lang ginawa mo. modus yan. walang pinagkaiba sa mga naka bike.
    di ba sa intersection din ng quirino at osmena noon madalas may mga bukas kotse, kahit anong oras while red ang traffic light.

    ingat peeps!

Modus operandi ba ito??!!