New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 11 to 20 of 39
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    109
    #11
    apat na libo lang naman kapatid.

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    4,819
    #12
    pahintulutan nyong ako ay makasali sa inyong talakayan. sa aking palagay, ang nagpanimula ng usaping ito ay nais lamang ilabas ang sama ng loob at talos nya na maliit na halaga lamang ang nkapaloob sa buong pangyayari.

    ang mailabas lamang ang saloobin ay malaking ginhawa na para sa kanya. may katotohanan na ang salaping iuukol nya sa paghahabol ay baka mas higit pa sa sisingilin nya kaya ang sa kanya ay mailabas lamang ang saloobin.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #13
    Quote Originally Posted by bulits View Post
    apat na libo lang naman kapatid.
    ah ayus lang naman pala kapatid. halos kapareho lang ng halaga ng bayaring partisipasyon kung ikaw ay mayroong seguro.

    ;)

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #14

    Hay salamat! Pakiwari ko ay naisalba na ni katotong bulits ang isang kahina-hinagpis at lintik na suliranin....

    5202:threadmil:

  5. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    999
    #15
    Sobra sa pagkatagalog dito ah

  6. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    22
    #16
    ansarap magbasa ng usapan dito para akong nagbabasa ng script ng pelikula nina Carmen Rosales at Rogelio dela Rosa... hehehe

    Galeeeeng!!!

    Peace papz!!

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #17
    lumalabas ang pagiging makata nila!

    kawawa naman si TS ... sa ibang paraan na lang ang ganti nyan

  8. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    849
    #18
    Quote Originally Posted by suv View Post
    Sobra sa pagkatagalog dito ah
    Sadyang kayurak yurak ang.....mga gantong sitwasyon. Nararapat na....kastigo ang.... kinakailangang ipataw sa mga.....taong indio at erehe...he.he.he.

  9. Join Date
    Sep 2006
    Posts
    152
    #19
    Sa iyo kapatid na nagsimula ng mga panitik na ito... marahil ay kahit paano ay naibsan na ang paglulungati ng iyong kalooban, sadyang napaka ganda ng pitak na ganito na kahit hindi tayo nag kakadaupan ng mga palad ay nagnanais ang bawat isa na makiramay at makisampatiya sa saloobin ng bawat kapanalig. Sa mga sumandaling ito marahil ay hindi pa nalilirip ng naka agrabyado sayo na marami kang pwedeng gawing hakbang na hindi nila magugustuhan, pero sa lahat ng naibigay na payo sa iyo ng mga katalamitam natin dito sa panitik, ikaw pa rin ang magpapasya... Hinihiling ko sa bathala na sanay gabayan ka sa isang napakalinang na pagpapasya...

    ..

  10. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    818
    #20
    Quote Originally Posted by toinktoink View Post
    Sa iyo kapatid na nagsimula ng mga panitik na ito... marahil ay kahit paano ay naibsan na ang paglulungati ng iyong kalooban, sadyang napaka ganda ng pitak na ganito na kahit hindi tayo nag kakadaupan ng mga palad ay nagnanais ang bawat isa na makiramay at makisampatiya sa saloobin ng bawat kapanalig. Sa mga sumandaling ito marahil ay hindi pa nalilirip ng naka agrabyado sayo na marami kang pwedeng gawing hakbang na hindi nila magugustuhan, pero sa lahat ng naibigay na payo sa iyo ng mga katalamitam natin dito sa panitik, ikaw pa rin ang magpapasya... Hinihiling ko sa bathala na sanay gabayan ka sa isang napakalinang na pagpapasya...

    ..
    Ayos ka talaga toink. Ikaw ay isang henyo..

Page 2 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
09202069411 ayaw ako bayaran