New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 39
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    109
    #1
    Gandang araw mga katoto. Tatagalugin ko na para di na ako mahirapan mag ingles.

    Nasangkot sa banggaan ang kotse ko noong nakalipas na buwan sa may molino, cavite. Nabundol ng delica ang revo at humampas naman sa tagiliran ko(vios) ang revo. Nagkasundo kami na babayaran ng driver ng delica kaming dalawang mga biktima. Nangako syang magbabayad sa amin noong January 10 subalit nang dumating ang takdang araw ay humingi pa ito ng palugit na sampung araw. Pinagbigyan naman namin pero lumipas na ang 10 araw ay di na tinutugunan ang aking mga tawag at text sa kanya. Nasa pangangalaga nga pala ng pulis ang kanyang drivers licence hanggang ngayon.

    Mr. Diesta, kung sakali mang nagbabasa ka rito ay mangyari po sanang pangatawanan nyo ang ating napag usapan. Kayo ay naturingan pa namang isang barangay official ng calookan, Apat na libo lang naman iyon. Maaari naman kayong makipag usap sa kin ng maayos pero parang nakakaloko na kayo.

    Pasensya na at dito ko lang nailabas ang nag aalimpuyo kong damdamin. Mabuhay ang tsikot.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,038
    #2
    I highly doubt it kung nagbabasa siya dito....bakit hinde mo na lang puntahan? if you really want na mabayaran ka,

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    109
    #3
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    I highly doubt it kung nagbabasa siya dito....bakit hinde mo na lang puntahan? if you really want na mabayaran ka,
    gusto ko nga sana sir subalit sa dami ng aking mga gawain ay hindi ko maharap. mas malaki pa ang mawawala sa akin sa pagtungo ko sa kanya.

    naglalabas lang po ng sama ng loob dito.

  4. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    1,456
    #4
    Hayaan mo na lang bro. The stress of thinking about this (for me ha) is not worth it. P4k lang naman (although malaki na rin sanang tulong ito). Ipa insurance mo na lang.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #5
    kapatid.... ako ay makikisali na rin sa inyong usapan ha?
    ito bang nangyari sa iyo ay may nakakabit na police report na kung saan ay may napagkasunduan ninyong tatlo na yung nakabangga ay babayaran kayo? ito ay isang parang pinagkasunduang dokumento o liham na nagsasaad na ang nakabangga ay nakikipagsundo sa inyo na sya ang magbabayad ng lahat ng perwisyo? ito din ay dapat naka sulat sa aklat talaan ng mga natatangi nating mga pulisya na kayo ay nagkakasundo na?

    dahil kung meron kayong ganitong liham, ito ay pwedeng gawing ebidensya kung sakasakali ay kayo ay kanyang takbuhan at kayo ay magsasampa ng kaso.

    kung iyong mamarapatin kapatid, magkano ba ang danyos sa iyong sasakyan? aking ding iniisip na naka-seguro ang iyong sasakyan at ang babayaran lang ng nakaaksidente sa iyo ay yung mga bayaring partisipasyon na tinatakda ng dokumentong panseguro mo. kung eto nga, malamang mas malaking abala sa iyo na maghabol pa para dito sa bayaring partisipasyon kesa sa ikaw na mismo ang mag abono para maisa-ayos ang iyong sasakyan.

    pagpasa Diyos mo na lang kung ang talagang intensyon ng nakabangga sa iyo ay takbuhan ka. mas malaking oras at pera ang mawawala sa iyo kung ikaw ay magkakaso pa sa husgado.
    Last edited by 1D4LV; January 23rd, 2008 at 03:44 PM.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    14,825
    #6
    Happened to me before:

    http://tsikot.yehey.com/forums/showthread.php?t=21469

    5K na lang eh (to pay for the participation fee) eh tinakasan pa ako (the driver paid 2.5K yata). Ayaw sagutin ng owner yung cell fone or landline.

    Pagka bangga sa akin, pinaalis ko na lang agad para makapasok yung anak ng ihahatid. Kesyo daw doctor daw sya kaya wala daw problema.

    Ok lang, wak wak yung hood, headlamps, grille & bumper nya.
    Last edited by mazdamazda; January 23rd, 2008 at 03:45 PM.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    109
    #7
    Quote Originally Posted by 1D4LV View Post
    kapatid.... ako ay makikisali na rin sa inyong usapan ha?
    ito bang nangyari sa iyo ay may nakakabit na police report na kung saan ay may napagkasunduan ninyong tatlo na yung nakabangga ay babayaran kayo? ito ay isang parang pinagkasunduang dokumento o liham na nagsasaad na ang nakabangga ay nakikipagsundo sa inyo na sya ang magbabayad ng lahat ng perwisyo? ito din ay dapat naka sulat sa aklat talaan ng mga natatangi nating mga pulisya na kayo ay nagkakasundo na?

    dahil kung meron kayong ganitong liham, ito ay pwedeng gawing ebidensya kung sakasakali ay kayo ay kanyang takbuhan at kayo ay magsasampa ng kaso.

    kung iyong mamarapatin kapatid, magkano ba ang danyos sa iyong sasakyan? aking ding iniisip na naka-seguro ang iyong sasakyan at ang babayaran lang ng nakaaksidente sa iyo ay yung mga bayaring partisipasyon na tinatakda ng dokumentong panseguro mo. kung eto nga, malamang mas malaking abala sa iyo na maghabol pa para dito sa bayaring partisipasyon kesa sa ikaw na mismo ang mag abono para maisa-ayos ang iyong sasakyan.

    pagpasa Diyos mo na lang kung ang talagang intensyon ng nakabangga sa iyo ay takbuhan ka. mas malaking oras at pera ang mawawala sa iyo kung ikaw ay magkakaso pa sa husgado.

    salamat ng marami sa inyong pakikipagdalamhati sa akin. ako ay natutuwa at meydo naibsan ang nararamdaman kong pagdurusa.

    tama ka kapatid, lahat ng mga sinabi mo ay tumpak o tama. mayroon kaming police report nakasaad doon kung sino ang magbabayad ng lahat ng perwisyo. ito rin ay nasusulat sa aklat talaan ng mga alagad ng batas.

    hindi na ako nangahas pang magdemanda dahil sa maliit lang naman na halaga ito. isa pa, malaking abala ang idudulot nito sa ganang akin. sa katunayan ay pinagawa ko na itong aking mahal na sasakyan kinabukasan lamang.

    ikinalulungkot ko namang ipaalam sa inyo na hindi ako nakakuha ngayong taon na ito ng panseguro para rito.

    tulad nga ng sinabi mo. ipinagpapasa diyos ko na lamang ang lahat ng ito.

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    1,391
    #8
    madalas mangyari ito. nabangga din yung sa amin ni misis. ok naman yung usapan nung una. kuha namin lahat ng detalye nila. una, binigyan ko ng estimate sa local shop na mura. tumawad pa. pagbibigyan na sana pero medyo nagiba na ang tono (may sakit ako, malapit ang holiday, bs, bs, bs). sinabi ko rin na pabor sa (driver) batang pamangkin nya ito para wala sa record nya. binigyan namin ng dalawang linggo. walang sagot.

    kinonsulta ko sa insurance namin at sabi i try namin habulin yung insurance nila (sa u.s. ito, baka pwede diyan). isang tawag lang at inspeksyon nung insurance nila, tapos ang lahat. dahil sa pagiwas nila, napamahal yung estimate, malaki nakuha namin, tataas insurance noong drayber.

    sana maayos din yung sa iyo.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #9
    pwede mong sampahan naman ng kaso sa pulis. just contact your lawyer.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #10
    Quote Originally Posted by bulits View Post
    salamat ng marami sa inyong pakikipagdalamhati sa akin. ako ay natutuwa at meydo naibsan ang nararamdaman kong pagdurusa.

    tama ka kapatid, lahat ng mga sinabi mo ay tumpak o tama. mayroon kaming police report nakasaad doon kung sino ang magbabayad ng lahat ng perwisyo. ito rin ay nasusulat sa aklat talaan ng mga alagad ng batas.

    hindi na ako nangahas pang magdemanda dahil sa maliit lang naman na halaga ito. isa pa, malaking abala ang idudulot nito sa ganang akin. sa katunayan ay pinagawa ko na itong aking mahal na sasakyan kinabukasan lamang.

    ikinalulungkot ko namang ipaalam sa inyo na hindi ako nakakuha ngayong taon na ito ng panseguro para rito.

    tulad nga ng sinabi mo. ipinagpapasa diyos ko na lamang ang lahat ng ito.
    kapatid, kung iyong mamarapatin...
    magkano ang iyong nagastos sa pagpapagawa ng iyong minamahal na sasakyan? kung ito ay medyo malaki at medyo ka-halaga na ng isang taong seguro, maaari mo talagang singilin ang nakabangga para hindi naman kahinahinayang. at gamitin ang kanyang bayad sa pagkuha ng bagong dokumentong panseguro para sa taong ito.

Page 1 of 4 1234 LastLast
09202069411 ayaw ako bayaran